CELLINE
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Pinagupitan ko kasi ang buhok ko at pinakulayan ko ng pula. Pina-rebond ko rin ang buhok ko. Mermaid curl kasi 'yon at hanggang bewang ko, nakakasawa rin ang ganoong hairstyle kaya iniba ko na. Bagay naman sa'kin ang kulay pula dahil maputi ako. Kaso nga lang magagalit si Mommy kapag nakita niya ang ayos ng buhok ko ngayon. She'll freak out! Pero bahala na! Wala na naman siyang magagawa dahil tapos na.
Bigla akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko na biglang bumukas. Napangiti ako nang makita ko ang kakambal kong si Callie.
"Twinnie!!" Sigaw niya. Agad akong tumayo mula sa vanity chair at sinalubong ko siya ng yakap. Natawa pa 'ko dahil sobrang higpit ng yakap niya na parang isang taon kaming hindi nagkita!
"Hey, Annisha Carolline." Pang-aasar ko. Katulad ko ay ayaw niya ring tinatawag siya sa totoo niyang pangalan. Humiwalay siya sa yakap at sinimangutan ako.
"It's Callie!" Pag-poprotesta niya. Natawa na lang ako.
"Callie it is." Umupo ako sa kama at sumunod siya. I simply giggled nang ma-realized ko na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin napapansin ang buhok ko.
Hanggang sa unti-unting namilog ang mga mata niya, umawang din ang labi niya na parang nakakita siya ng alien!
Ang OA!
"Oh my gosh! Oh my gosh, Celline! What did you do to your hair?!" She shrieked. Inikot ko ang mga mata ko at hinaplos ang kulay pula kong buhok.
"Bagay ba?" Tanong ko. Hindi maka paniwalang tumitig sa'kin si Callie.
"Oh my gosh, lagot ka kay Mommy!" Sabi niya pa at tinuro ang buhok ko.
"Wala na naman siyang magagawa. Hindi niya na mababago ang ayos ng buhok ko." Sabi ko. Kumurap-kurap si Callie.
"Ano? Bagay ba?" Tanong ko ulit. Dahan-dahan siyang tumango kaya napangiti ako.
"Yeah, it suits you. But... It looks so weird... Alam kong favorite color mo ang red but not to the point na papakulayan mo rin ang hair mo ng pula." Sagot niya. Alam kong weird. Kanina nga paglabas ko ng salon sa mall ay pinagtitinginan ako ng mga tao na para akong nakapatay!
Bakit? Ngayon lang sila nakakita ng dyosa na kulay pula ang buhok?
"Ang ganda kaya!" Sabi ko.
"Maganda nga. But still, magagalit pa rin si Mommy kapag nakita kang ganiyan ang ayos. You know naman na ayaw niyang pinapakielaman ng iba ang buhok natin." Simula bata kami ay si Mommy na ang nag-aayos ng buhok namin. Ayaw na ayaw niya na pinapahawak sa iba ang buhok naming dalawa. Maliban na nga lang ngayon kay Callie dahil artista na siya. May sarili na siyang hair stylist.
"Bakit nga pala nandito ka? Wala kang photoshoot? Taping? Guesting, gano'n?" Iniba ko na lang ang usapan namin. Dating artista si Mommy pero umalis siya sa showbiz dahil nabuntis siya sa Kuya namin. Since kami lang ni Callie ang anak niyang babae, gusto niyang ituloy namin ang naiwan niyang yapak sa showbiz. Si Callie lang ang sumunod kay Mommy. Pinipilit ako ni Mommy pero lagi akong tumatanggi. Masyadong magulo ang buhay sa showbiz. Marami pang chismosa at pakielamera.
"Wala. Kaya nga nandito ako kasi I want to spend this day with you. Namiss ko kaya ang twin sister ko!" Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi ni Callie. She's always been like that. Sweet, malambing, mahinhin. The total opposite of my attitude. That's why she's our Mom's favorite.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...