FOURTY EIGHT

7 2 0
                                    

CELLINE



Pagbalik namin sa Manila ay sa bahay ako dumiretso. Nagulat pa 'ko nang makita ko si Kuya Atticus kasama ang asawa niya.



“Hi,” she greeted me and smiled. Ngumiti rin ako pabalik at niyakap siya.



“It was nice finally meeting you, Ate Bria.” Ito ang unang beses naming pagkikita dahil limang taon akong nasa New York. I can't help but to admire her beauty. Bagay na bagay sila ni Kuya.



“Same here. Ang ganda mo!” Puri niya sa'kin. Magsasalita na sana 'ko nang marinig ko ang boses ni Daddy.



“Ang cute cute talaga nitong apo ko!” Lumingon ako at nakita siyang karga ang limang buwang anak nila Kuya. Bakas ang pagkaaliw sa mukha ni Daddy. “Oh, anak. Nakauwi ka na pala.” Sabi niya nang makita ako. Binigay niya ang baby kay Ate Bria at niyakap ako.



“Are you hungry? You want to eat?” Umiling lang ako, ang paningin ay nakapako sa anak ni Kuya Atticus.



“Baby, say hi to your Tita Celline.” Rinig kong sabi ni Kuya. Lumapit ako kay Ate Bria na karga ang anak nila. The little girl's looking at me with her innocent wide eyes, kumukurap pa.



Hahawakan ko sana ang kamay niya pero nagulat ako nang siya na mismo ang mag-abot non, mahigpit niyang hinawakan ang hintuturo ko.



I felt something warm in my heart when she giggled at me.



“Aw, she likes you...” Umangat ang tingin ko kay Ate.



“C-can I... Carry her?” Tanong ko. Tumango siya at inabot sakin si Camilla.



Hindi ko na naman napigilan ang pagiging emosyonal dahil muli kong naalala ang anak ko.



“Ang swerte mo, Ate Bria.” Sabi ko habang pinagmamasdan si Camilla sa bisig ko.



Ang swerte mo kasi naranasan mo 'to. Ang swerte mo kasi nakakasama mo pa ang anak mo. Ang swerte mo dahil nararanasan mo ang mga bagay na pinagkait sa'kin.



Napatikhim ako at pinigilan na mapaluha. Inabot ko na ulit si Camilla sa Mommy niya at pilit na ngumiti.



“Magpapahinga na 'ko.” Paalam ko at agad na umalis para hindi sila magtaka.



Namimiss ko na naman ang anak ko.



Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang ring ng phone ko. Tiningnan ko 'yon at kumunot ang noo ko nang makitang unregistered number ang tumatawag.



“Hello?” Sabi ko nang sagutin ang tawag. Walang sumagot kaya mas lalong kumunot ang noo ko.



“Hel—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binaba niya na ang tawag.



Taka kong tiningnan ang phone ko.



Sino 'yon? Wrong number kaya?



Itatabi ko na sana ang phone ko nang may nag-pop up na message galing sa tumawag kanina. Agad kong binuksan 'yon.



From: Unregistered number

This is Mildred. Are you free today? Can we talk?



Muling kumunot ang noo ko dahil isang Mildred lang naman ang kilala ko, at ang Mommy ni Zach 'yon. Pero bakit naman siya makikipag-usap sa'kin? Diba galit siya? At saan niya nakuha ang number ko?



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now