FIVE

6 2 0
                                    

CELLINE



Ngayon na ang birthday celebration ni Megan at nangangalay na 'ko kakatayo rito sa labas ng bar.



Putangina ni Jam. Nasaan na ba 'yon?!



Nakasuot pa naman ako ng silver spaghetti strap dress at stiletto. Mukha akong prosti na naghihintay ng costumer! Ugh!



May nag-park na silver sedan sa harap ko at alam ko agad na si Jam 'yon. Ni-park muna ng bakla ang kotse niya at nang makababa siya ay agad kong hinablot ang buhok niya.



“Araaay! Ano ba!” Sinubukan niya ring hablutin ang buhok ko pero sorry siya dahil maikli lang ang buhok ko at hindi niya abot!



“Aray ko, bakla! Ouch! Masakit ha!” Inirapan ko siya nang bitawan ko ang buhok niya. Nakasimangot si Jam habang inaayos ang buhok niya.



“Ang maldita mo! Anong ginawa ko sa'yo?!” Maarteng sigaw niya.



“Kanina pa 'ko naghihintay dito, gaga!”



“Edi sana pumasok ka na! Shunga!” Sigaw din ni Jam.



“Ah Ma'am at Sir, papasok na ho ba kayo o magtatalo lang ho kayo riyan?” Sabay kaming napatingin ni Jam sa guard na nagsalita.



“Sorry kuya guard, papasok na po kami. At hindi po ako Sir, Miss po ako. Hindi lang halata.” Napangiwi ako sa sinabi ni Jam. Sabay na kaming pumasok at umangkla ulit ako sa braso niya. Gawain ko na 'yon kahit noon pa.



“Oh ngayon kakapit-kapit ka. Matapos mo 'kong sabunutan sa labas?!” Pag-iinarte ng bakla sa'kin. Inikot ko ang mga mata ko.



“Edi sorry!” Sumisigaw na kami dahil sobrang ingay sa loob!



“Saan ba 'yon?! Hanggang Ten PM lang ako bakla ha!” Sigaw ni Jam. Umikot na naman ang mga mata ko. Laging may curfew si Jam, akala mo si cinderella.



“Sa VIP three daw!” Pinagtutulak namin ni Jam ang mga naglalampungan sa hagdan para makaakyat kami sa VIP three.



“Ang sticky! Dudugyot! Iw!” Sigaw ni Jam habang nanunulak. Nang makarating kami sa taas ay nakahinga ako ng maluwag. Masyado kasing masikip sa baba!



Nang makarating kami sa VIP three ay basta na lang kami pumasok. Medyo marami nang tao dahil maraming inimbita si Megan. Hindi na naman bago 'yon dahil kilala si Megan sa school namin. Lagi rin kasi siyang sumasali sa mga beauty pageants.



“Celline! Mikael! Oh my God! Thanks for coming!” Lumapit sa'min si Megan at bineso-beso ako. May hawak pa siyang cocktail sa kanang kamay. Natawa ako nang ibeso niya si Jam at nakangiwi lang ang bakla na parang diring-diri kay Megan! Ang arte!



“Happy birthday, Meg. Here's my gift.” Sabi ko at inabot sa kaniya 'yung regalo.



“Oh my gosh, thanks! Hindi ka na sana nag-abala.” Sabi niya at tinanggap 'yon.



“How about you, Mikael? May gift ka ba sa'kin?” Maliit ang boses ni Megan nang magtanong siya kay Jam, parang nagpipigil pa ng kilig.



“Oh.” Sabi lang ni Jam at inabot ang regalo niya na nakalagay sa maliit na lalagyan.



Ano kaya 'yon? Bakit ang liit?



Biglang nagliwanag ang mukha ni Megan.



“Hala, thank you! This is the best gift, Mikael!” As usual, umirap lang ang bakla. Ngumiti naman si Megan na parang sanay na sanay na sa pagtataray ni Jam sa kaniya.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now