CELLINE
Nagising ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko.
“Celline, wake up...” Sunod non ay narinig ko na ang mahinang boses ni Zach. Unti-unti akong dumilat at kinusot ang mga mata ko.
“Nasa bahay na tayo?” Tumango lang siya. Napaayos ako ng upo at tinanggal ang seatbelt ko. Bahagya pa 'kong ngumiwi dahil nanakit ang leeg at balikat ko.
“Salamat sa paghatid. Alis na 'ko.” Paalam ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse pero napahinto ako dahil naramdaman ko ang paghawak ni Zach sa siko ko. Pinigilan kong mapasinghap dahil sa naramdaman. Ngayon niya na lang ulit ako hinawakan.
“B-bakit?” Nilingon ko siya at pilit na kinalma ang sarili ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
“What happened to your wrist?” Mariin niyang tanong. Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Bumaba ang tingin ko sa palapulsuhan ko na may mga bakas ng laslas. Hindi na naman masyadong halata 'yon at nilagyan ko 'to ng conceiler kanina para hindi mapansin. Natanggal siguro no'ng naghugas ako.
“I'm asking you, Celline. What happened to your wrist?” Lumunok ako at umiling.
“Wala 'yan.” Mahina kong sagot.
“Wala? Anong wala?” Lalong humigpit ang hawak niya sa siko ko kaya sinubukan kong alisin 'yon.
“Zach, ano ba? Nasasaktan ako.” Sabi ko kahit hindi naman. Bahagyang lumuwag ang hawak niya sa'kin pero hindi ako binitawan.
“Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa'kin—”
“Ano bang pakielam mo? Para saan pa ba kung sasabihin ko sa'yo? Can you please stop acting like you care for me?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinubukan ko ulit alisin ang pagkakahawak niya sa siko ko at nagtagumpay naman ako. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bago pa 'ko makalabas ay nagsalita siya.
“But I do. After all these years, Celline... I still care for you.” Hindi ako sumagot at lumabas na ng kotse niya.
Mabilis ang lakad ko papasok ng bahay at naninikip ang dibdib ko sa sakit. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa sinabi niya o may na-realized ako sa sarili ko.
Care? He still care for me? Nagpapatawa ba siya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko? Dapat wala na siyang pake sa'kin! Dapat nga galit siya at sinusumbatan ako! Gano'n dapat, diba? Gano'n dapat siya!
Nagulat ako nang pagpasok ko sa bahay ay nakasalubong ko si Daddy. Hindi ko alam pero parang bigla na lang bumuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Lalo na nang idipa niya ang dalawang braso para makayakap ako. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na yumakap. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Daddy sa buhok ko.
Ngayon lang pumasok sa isipan ko na sa loob ng limang taon, wala 'kong ibang ginawa kundi lokohin ang sarili ko. Matagal ko nang niloloko ang sarili ko. Matagal ko nang pinipilit na hindi ko na mahal si Zach. Pero ang totoo... Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Kasi kung hindi, bakit ako nasasaktan ng ganito?
Kaya hindi ko mabigyan ng chance si Nate. Kaya hindi ko magawang magmahal ng iba. Hindi 'yon dahil sa hindi pa 'ko handa, kundi dahil si Zach pa rin ang gusto ng puso ko. Paano nga ba 'ko magmamahal ng iba kung hindi pa 'ko nakakaahon sa pagmamahal ko kay Zach? Hanggang ngayon, lunod na lunod pa rin ako. Ni hindi ko alam kung paano pa 'ko makakaahon.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...