FOURTEEN

6 2 0
                                    

CELLINE



Mabuti na lang at nakaligo na 'ko kaya naghanap na lang ako ng susuotin. Nagsuot na lang ako ng white spaghetti sando at tinuck-in ko 'yon sa maong short na nilagyan ko ng black belt. Nagsuot din ako ng oversized polo. Striped 'yon na color blue at white. Kinuha ko na ang white kong sling bag at sinuot ang sneakers ko na kulay puti rin.



Naglagay lang ako ng powder at kaunting blush on. Lip tint lang din ang nilagay ko sa labi ko.


Nilagay ko na ang mga kailangan ko sa sling bag at sakto namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.



“Ma'am Celline, si Sir Zach po nasa labas na.” Narinig kong sabi ng kasambahay namin.



“Sige po. Pababa na.” Sagot ko. Isinukbit ko na sa balikat ko ang sling bag. Muli pa 'kong tumingin sa salamin para sipatin ang mukha ko at nang makuntento ay nagmamadali na 'kong lumabas.




Hindi ako excited na makita siya ha. Medyo lang.




“Hoy.” Pagtawag ko kay Zach. Nakasuot lang siya ng navy blue shirt at white shorts tsaka color silver na rubber shoes.



Ang gwapo ng jowa ko!



Tumaas ang kanang kilay ko nang mapansin kong sinipat ni Zach ang buong katawan ko at ngumisi.



“Hey there, sexy.” Natawa ako at hinampas siya nang makalapit ako.



“Heh! Puro bola!” Nangingiti kong sabi. Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at pumasok ako roon. Umikot naman si Zach para makapasok sa driver seat.



“Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi mamaya.” Sabi ni Zach habang minamaniobra niya ang kotse.



“Diba aalis ka nga kasama sila Quen?” Tanong ko.



“Hindi naman ako magtatagal doon. Baka mag-bowling lang kami o kung ano na makakapagpalipas ng kalahating araw. We're doing that every sunday if no one's busy.” Litanya ni Zach na nakapagpatango sa'kin.



“Sinabi ko na kay Mommy na pupunta ka. She's excited. Tinanong niya pa sa'kin ang paborito mong ulam para maluto niya.” Ani Zach at napailing pa. Napataas naman ang isang kilay ko.



“Hm... Hindi na 'ko magugulat kung pati paborito kong ulam alam mo.” Nangingiti kong sabi.



“Yeah. Your favorite is bulalo.” Nanlaki ang mga mata ko at hinampas si Zach.



“Anong bulalo? Hindi bulalo!” Napasimangot ako. Narinig ko ang pagtawa ni Zach.



“I was just joking. Your favorite's pochero. Diba?” Napairap ako.



“Next time tuturuan kita mag-joke ng maayos. 'Yung joke na hindi nakakapikon.” Sarkastiko kong sabi. Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya.







Wala nang nagsalita sa'min matapos non hanggang sa makarating kami sa bahay nila.



Pagpasok namin sa loob ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda at pagiging elegante ng mansyon nila. Every corner of this mansion screams wealth. Hindi kami mahirap pero pakiramdam ko ang slapsoil ko kapag itatabi ang bahay namin sa mansyon nila Zach.



“Celline! Omg, hi!” Agad akong sinalubong ng yakap ni Tita Millie.



“Hello po, Tita.” Sabi ko nang maghiwalay kami sa yakap.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now