NINETEEN

4 2 0
                                    

CELLINE




Hindi rin nagtagal ang paghihintay namin sa parking lot dahil agad na dumating si Zach kasama ang buong team niya.



"Hoy! Kita-kita na lang sa bahay ni Cap!" Rinig kong sigaw ng isa na sinang-ayunan ng lahat at nagkaniya-kaniya na silang sakay sa mga kotse nila. Napatingin ako kay Zach na nakasuot na lang ng white v neck shirt and black cargo short.



"Sa'kin ka na sumabay." Sabi niya. Tumango ako at magpapaalam na sana kay Jam pero ang bakla ay busy sa paghaharot sa isang ka-team ni Zach. Umirap na lang ako sa hangin at narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Zach. Binuksan niya na ang pinto sa shotgun seat at pumasok na 'ko roon. Umikot naman siya para makapasok sa driver seat.



"Congratulations, Captain." Sabi ko ulit nang makasakay siya. Imbis na sumagot ay sinalubong niya ng halik ang labi ko. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko at hinalikan siya pabalik. Ang mga kamay niya ay nasa leeg ko, idinidiin pa ang labi niya sa'kin.



Naghabol ako ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin. Dinampian niya 'ko ng halik sa noo.



"Thank you, love." Ngumiti lang ako at umayos na ng upo.



"Mag-drive ka na. Nahuhuli na tayo sa mga kasama mo. Puro harot." Sabi ko at natawa. Natawa na rin siya bago paandarin ang kotse.















Tama nga 'ko. Kami na lang ang hinihintay pagdating namin sa bahay nila. Dumiretso kami sa garden at doon kami sinalubong ng confetti at champagne na bigla na lang sumabog. Napatawa ako.



May nakasabit na dalawang malaking tarpaulin at nakalagay doon ang 'Congratulations, Gray Wolves!' at ang isa naman ay 'You're the best, Captain!' meron pang maliit na nakasulat sa baba non na 'from your team'. Napangiti ako. Sinalubong ni Zach ang Mommy niya at yumakap.



"Congrats, son! We're so proud of you!" Sabi ni Tita.



"Thanks, Mom." Lumapit naman si Zach sa team niya. Nagkaniya-kaniya silang batian. Ako naman ay lumapit kay Tita Millie.



"I can't thank you enough for supporting my son, Celline." Ngumiti ako.



"Wala po 'yon. Masaya po ako na napanood ko si Zach sa huling laro niya. Nakaka-tense po pala!" Natawa si tita.



"Nagugutom ka ba? Ang kaibigan mo at mga kaibigan ni Zach ay kumakain na roon." Tumuro sa dulo si Tita at nakita ko nga si Jam na nakangiting kumakain kasama sila Luke. Napailing na lang ako.



Kahit saan talaga dalhin si Jam, hindi na maalis ang kaharutan sa kaniya.



"Kakain na rin po ako. Nasaan nga po pala si Milkah?" Tanong ko.



"Nagpapahinga sa kwarto niya. Hindi ko muna palalabasin dahil malamang mag-iinuman sila Zach dito." Napatango ako.



"Sige, titingnan ko muna si Milkah. Mag-enjoy kayo rito ha." Paalam ni Tita.



"Opo. Thank you, Tita." Nginitian niya 'ko bago magpaalam kay Zach. Dumako ang paningin ni Zach sa'kin.



"Are you okay?" He mouthed. Ngumiti ako at tumango. Tinuro ko ang pwesto nila Jam at tumango siya. Medyo malayo kasi siya sa'kin kaya nagsesenyasan kami. Nagtungo na 'ko sa pwesto nila Jam para makakain. Nagugutom na rin ako.



Kumuha muna ako ng pagkain bago tumabi sa pwesto nila Jam.




"Nakakaloka! Ang laki pala ng bahay nila Zach! Parang mas mahal pa sa kotse ko ang mga muwebles na ginamit dito!" Sabi ni Jam habang may hawak na lumpiang shanghai. Natawa sila Quen.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now