THIRTY SIX

3 2 0
                                    

CELLINE



“Take care, alright?” Hinaplos ni Daddy ang buhok ko nang makatayo na kami. Tinawag na kasi ang flight ko.



“Don't worry, I'll be safe.” I assured him and smiled.



“Tawagan mo 'ko kapag nandoon ka na.” Tumango ako. Pang sampung beses niya na yata 'yang sinabi sa'kin simula kanina pa.



“Daddy, si Zach...” Mahinang sabi ko. Muli na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maalala ang huling sinabi niya sa'kin.



He sighed and nodded.



“Ako nang bahala. Huwag kang mag-alala, ako na rin ang bahalang magsabi sa Mommy niya na umalis ka na.” Hindi na kasi ako nakapagpaalam kay Tita Millie at Milkah, bukod sa hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, wala rin akong mukhang maihaharap sa kanila. Matapos kong mangako ay itatapon ko na lang 'yon basta-basta.



“Sige na, baka maiwan ka ng flight mo.” Mahinang tumawa si Dad. Nakita ko ang pangingislap ng mga mata niya dahil sa luha. Muli akong yumakap sa kaniya at naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko.



“Take care. I love you.” He said.



“I love you too, Daddy. Mag-iingat din po kayo.” Nang humiwalay ako sa yakap ay kinuha ko na ang maleta ko para makaalis na.



“Thank you for doing this for Callie, anak.” Tumango lang ako at hindi na sumagot dahil natatatakot akong hikbi na lang ang lumabas mula sa labi ko.



Sunod-sunod na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang makatalikod ako kay Daddy.



Simula sa araw na 'to, mamumuhay akong mag-isa. Haharapin ko ang susunod na pagsikat ng araw nang walang kasama. Wala na si Zach sa buhay ko.



Nang makaupo ako sa seat ko ay agad akong nagpunas ng luha, mabuti na lang at sa tabi ng bintana ako nakaupo, kahit papaano ay malilibang ako mamaya.



Nang mapunasan ko ang mga luha ko ay may panibagong luha na naman! Lintik na luha 'to! Hindi na naubos!



Kahit na naramdaman kong may tumabi sa'kin ay hindi ako tumigil sa pag-iyak. Para saan pa? Ito lang naman ang magagawa ko, ang umiyak hanggang sa maubos ang luha ko.



Panay ako punas ng luha kahit nararamdaman ko nang unti-unting tumataas ang eroplano. Nang maalala ko si Zach ay mas lalo pa 'kong naiyak. Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang mayakap! Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang maramdaman sa tabi ko at sabihin na magiging maayos din ang lahat.



“Alam mo miss, wala namang masamang umiyak pero hinaan mo naman. May mga natutulog oh.” Napahinto ako sa paghikbi nang magsalita ang lalaking katabi ko. Tumingin ako sa kaniya at agad akong sinalubong ng itim niyang mga mata. He gave me a small sincere smile.



“I don't know why you're crying but I can feel your pain. Uh... It's okay to cry, just let it out. Basta... Huwag masyadong malakas.” Napakamot siya sa pisngi niya na parang nahihiya pa sa'kin. Sa gitna ng mga luha ko ay hindi ko maiwasang mapangiti.



“S-sorry kung naistorbo kita...” Sabi ko. Nakakahiya, napalakas pala ang iyak ko kanina.



“Ah hindi! It's okay for me. Kaso sa ibang passengers... Baka mairita sila so...” Nagkibit-balikat siya. Napatango ako at tumingin sa bintana. Mataas na kami... At sobrang layo ko na kay Zach.



Kumusta na kaya siya? Nakatulog kaya siya ng maayos kagabi o katulad ko... Umiyak lang din siya magdamag?



Habang nakatingin sa bintana ay hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng pagod at unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa antok. Baka sakaling sa panaginip ko ay maayos ang lahat. Walang problema at masaya kaming nagsasama ni Zach.
















Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now