CELLINE
Biglang nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na kalansing.
Ang ingay! Ang sakit sa tenga!
Bumangon ako sa kama at hinanap ng paningin ko kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon. Nang makita ko si Jam na nakasandal sa pinto ng kwarto ko at may hawak na takip ng kaserola at kutsara ay agad na uminit ang dugo ko!
Pinagbabato ko siya ng unan dahil sa sobrang inis pero ang bakla, wala man lang pake!
“Ang aga-aga, Jan Mikael!” Iritable kong sigaw.
“Anong maaga? Hoy Anastacia! Ala-una na!” Agad akong napatingin sa alarm clock at tama nga ang sinabi niya.
“Ano bang problema mo?!” Inis kong sigaw. Inirapan ako ng bakla at lumapit sa'kin.
“Anong problema ko? Gaga! Sinong kasama mo kagabi? Wala kang kaibigan bukod sa'kin at sa kakambal mo! At dinamay mo pa si Zach ha!” Inirapan ko siya.
“Si Zach nga 'yung kasama ko!” Nakaka-frustrate si Jam!
“At bakit ka naman niya sasamahan, aber?” Tinaasan niya 'ko ng isang kilay, hindi pa rin naniniwala.
“Dahil nililigawan niya 'ko.” Diretso kong sagot. Sandaling katahimikan ang namayani bago umalingawngaw ang lakas ng tawa ni Jam sa loob ng kwarto ko kaya lalo akong nainis. Ang laki-laki ng pagkakabukas ng bunganga niya kaya kinuha ko ang kutsarang hawak niya at sinalaksak 'yon sa bunganga niya dahilan para tumigil siya sa pagtawa.
“Aray!” Sigaw ni Jam at sinamaan ako ng tingin.
“Para ka kasing tanga!” Sigaw ko.
“Assumera ka kasi bakla! Hala! Sikat pa naman ngayon 'yung mga—” Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil binatukan ko na siya.
“Ikaw kanina ka pa!” Hinatak niya naman ang buhok ko!
“Bahala ka kung hindi ka naniniwala.” Sabi ko na lang. Biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko 'yon sa bedside table at tiningnan ang caller.
Napangiti ako dahil si Zach ang tumatawag.
“Hello?”
[Hi. Naistorbo ba kita?] Tanong niya. Napatingin ako kay Jam na nakakunot ang noo sa'kin.
“Hindi. Kagigising ko lang eh. Lumabas na ba 'yung... Blood test result?” Maingat kong tanong. Sandaling natahimik si Zach at bumuntong hininga.
[Kararating lang kanina.] Alam kong hindi maganda ang kinalabasan ng blood test ni Milkah dahil nararamdaman ko 'yon sa tono ng pananalita niya.
“Maliligo lang ako tapos pupunta na rin ako riyan. Everything will be alright, Zach.” Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Nanlaki naman ang mga mata sa'kin ni Jam.
[I'll wait for you here, Celline. Take care.] Sabi niya.
“Ikaw din. Sige, maliligo na 'ko.” Sabi ko at pinatay na ang tawag.
“Hala! Legit nga?!” Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Jam. Inikot ko ang mga mata ko.
“Bukas ko na ikekwento sa'yo. May pupuntahan ako ngayon.” Sabi ko at bumangon na. Pumunta na 'kong bath room para maligo.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...