ZACH
Pumako ang paningin ko kay Celline na mahimbing ang tulog sa sofa. Ang braso niya ay ginawa niyang unan at patagilid pa ang higa, nakaharap sa pwesto ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo, sigurado akong mangangalay siya sa pwesto niya. Lumabas ako para manghiram ng unan at kumot sa nurse.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ni Celline para mailagay ang unan. She groaned but didn't woke up, kinumutan ko na rin siya.
I remember this scene. This is so damn familiar to me and I hate my mind for remembering it. Matagal ko na 'tong kinalimutan, bakit bumabalik na naman?
I shook my head and closed my eyes tightly. Think straight, Zach. You have Callie now, she's your girlfriend and you won't hurt her. Celline is part of your past now and that will never change.
Dahil tulog ay malaya kong napagmasdan ang buong mukha niya. Nothing changed, she's still exquisite as ever. Her perfectly curved eyebrows, long eyelashes, pointy nose, and heart shaped lips. Though, I noticed earlier that she became more fit and a little taller.
Inis akong napasabunot sa buhok ko dahil nararamdaman ko na may epekto pa rin si Celline sa'kin. Hindi ko dapat nararamdaman 'to dahil masasaktan si Callie.
Ang sabi ni Celline ay gisingin ko siya ng alas-sais. I was about to wake her up but I noticed how tired she is. There's black bags under her eyes. I sighed. My hand automatically went to her cheek and slowly caressed it. Nothing changed, its still soft just like the last time I touched it. It was so wrong to feel this way to my girlfriend's twin sister.
Napa-iling ako bago lumayo sa kaniya. You should stay away from her, Zach. She won't do you any good.
I tried so hard to stay away from Celline but I still found myself inside the canteen, silently watching her from afar. Ang sabi ni Atticus kanina ay hindi pa siya kumakain, kaya huminto ako sa isang restaurant para mabilhan siya ng makakain. She was eating slowly and silently. Nang mapansin kong paubos na ang kinakain niya ay lumabas na 'ko ng canteen para hindi niya mapansin.
Hindi rin naman nagtagal ay sumunod na si Celline sa'kin.
“Uuwi na muna 'ko. Si mommy at daddy ang magbabantay kay Callie bukas ng umaga kaya makakauwi ka bukas.” I just nod my head. Nang makaalis siya ay bumuntong hininga ako at tumingin kay Callie. I feel like I'm cheating on her, I still feel something for Celline. Hindi ko alam kung paano niya nagawang buhayin ang nararamdaman ko sa loob lang ng isang araw.
I felt like fate's really playing games on me. I've decided that I'll stay away from Celline but then my manager told me na siya ang papalit sa role ni Callie. I don't understand why, of all people, why her?! I get it that they don't know about our past but can they just be a little sensitive? Comatose ang girlfriend ko at gusto pa nilang ituloy ang project na 'yon? For what? For money?!
Nang makita ko si Celline ay sa kaniya nabuhos lahat ng frustrations ko. I actually didn't mean what I've said at natauhan lang ako nang sampalin niya 'ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko na sinampal niya.
“Hindi mo alam kung gaano ko na kagusto na magising ang kapatid ko. Para makaalis na 'ko rito, at makabalik sa dati kong buhay! Kaya huwag mo 'kong aakusahan ng mga bagay na hindi ko naman ginawa! Tinanggap ko 'yon, para kay Callie. Tsaka anong ikinagagalit mo? Kung ayaw mo, edi kausapin mo ang manager niyo at ipatigil na lang 'yon! Bakit sa'kin ka nagagalit?” Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko dahil wala namang katotohanan 'yon.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...