SEVENTEEN

3 2 0
                                    

CELLINE



“Hay nako, bakla ha! Ang effort masyado!” Tumalak na naman si Jam. Nandito kami sa kwarto ko ngayon at nakaupo kami sa lapag. Nagkalat ang mga cartolina at marker sa sahig ng kwarto ko. Gumagawa kasi kami ng banner para sa game ni Zach bukas.



“Ayos na kaya 'to? Parang pangit...” Sabi ko, hindi pinansin ang pag-iinarte ng bakla.



“Celline naman! Ayos na 'yan, gaga! Halos dalawang oras na tayong nakasalampak dito. Ilang cartolina na ba ang nasayang mo?” Inirapan ako ni Jam. Hindi kasi ako ma-satisfy sa gawa ko! Hindi naman ako magaling sa calligraphy kaya kanina pa 'ko paulit-ulit.



“First time kong manonood ng laro ni Zach, Jam! Kailangan perfect!” Inirapan ko rin siya matapos sabihin 'yon.



“Kahit naman hindi 'yan perfect, maa-appreciate pa rin ni Zach 'yung gawa mo. Duh? Your presence is enough na nga raw sabi niya diba?” Inikutan niya na naman ako ng mata. Ang sarap tusukin ng marker!




“Sis, kahit mas pangit pa sa mukha ng ipis ang gawa mo, magugustuhan pa rin 'yan ni Zach.” Napangiwi ako at hinampas siya ng cartolina na naka-rolyo pa. Ikumpara ba naman ang gawa ko sa mukha ng ipis?!



“Sige na nga! Okay na 'to. May dadaanan pa naman ako mamaya.” Sabi ko. Pupunta kasi ako sa printing shop. May t shirt ako na pinalagyan ko ng print para maisuot ko bukas.



Wala lang. Maarte lang ako.



Sinimulan ko nang ligpitin ang mga kinalat ko. Ang bakla naman ay nakadapa pa sa sahig habang dumudutdot sa cell phone niya. Hindi man lang ako tulungan!



“Oh ano? Saan naman ang punta mo?” Tanong ni Jam nang matapos ako sa paglilinis. Nakahiga na siya sa kama ko ngayon.



Ang kapal talaga ng mukha!



“Pupunta ako sa printing shop. Kukunin ko 'yung t shirt na pinalagyan ko ng print.” Sagot ko at pumunta sa vanity mirror para magsuklay. Hindi na 'ko nagpalit ng damit. Naka-oversized shirt ako at maong shorts. Tinuck-in ko na lang ang shirt ko sa shorts.



“Taray! Napaka supportive girlfriend naman! Edi ikaw na! Ikaw na ang may love life!” Nilapitan ako ni Jam at naglagay ng imaginary crown sa ulo ko. Natawa ako at hinampas ang braso niya.



“Dami mong alam! Samahan mo na lang ako!” Sabi ko.





















Pumunta kami ni Jam sa printing shop pero sandali lang kami roon dahil kinuha ko lang naman talaga ang t shirt. Dahil maaga pa ay pumunta muna kami ni Jam sa bagong bukas na milk tea shop. Ayoko nga sanang pumunta pero mapilit ang bakla.



Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ng shop!



Delicious Tea-Tea. Milky and yummy!



“Jam! Kadiri!” Hindi pa kami nakakapasok ay hinatak ko na si Jam. Tumawa pa ang bruhilda na parang sinadya niyang pumunta kami rito para makita ang reaksyon ko!



“What?” Painosenteng tanong niya. Inis kong hinatak ang patilya niya.



“Ouch!”



“Bakit dito tayo pumunta?” Tanong ko.



“Bakit hindi? Masarap ang milk tea nila rito! Lez go!” Hinatak na 'ko ni Jam papasok kaya wala na 'kong nagawa.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now