PROLOGUE

7 1 0
                                    


“Suarez, Anastacia Celline A.” Narinig ko ang palakpakan ng mga tao habang naglalakad ako sa stage na nakikipagkamay sa mga tao roon. Nakangiti ako pero wala akong maramdaman na kahit katiting na saya. Nang makapunta ako sa harap ay agad na hinanap ng paningin ko ang pamilya ko, lahat sila ay nakangiti at halatang masaya para sa'kin. Nahagip din ng mata ko si Jam. Kumaway at nag-thumbs up pa siya sa'kin, ang bakla ay parang naiiyak pa.

Inikot ko ang paningin ko at napako 'yon sa bukana ng hall, may lalaking nakasuot ng itim na hoodie, black cap at black shades. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko, mula rito ay ramdam ko ang titig niya sa'kin.

Hanggang sa makababa ako ng stage ay nakatingin ako sa kaniya, at tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makita ko ang pagngiti niya sa'kin bago tumalikod at lumabas ng hall. Bigla ay parang gusto kong tumakbo at yakapin siya sa huling pagkakataon.

“Celline, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ng kaklase ko sa'kin dahil para akong tangang umiiyak sa upuan. Tumango ako at nagpunas ng luha.

“O-oo. Masaya lang ako kasi... Graduate na tayo.” Mahinang sagot ko. Huminga ako ng malalim at pinigilan na ang sarili kong umiyak.

Sa isip ko ay paulit-ulit akong humihingi ng tawad kay Zach. Sa gagawin kong pang-iiwan, sa pananakit ko sa kaniya, at sa hindi ko pagtupad sa mga ipinangako ko.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now