CELLINE
Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala 'kong ospital. Malakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad papasok, pinagpapawisan ako ng malamig at natatakot ako.
Napalunok ako bago pihitin ang seradura ng pinto. Lumikha 'yon ng ingay kaya napatingin sila sa'kin, pero ang paningin ko ay nakapako na kay Callie.
Unti-unting nanlabo ang paningin ko lalo na nang ngumiti siya sa'kin. Nang makalapit ako ay agad ko siyang niyakap.
“C-callie...” Bulong ko sa pangalan niya. Masaya ako. Masaya ako dahil nagising na siya pero may parte pa rin sa'kin na nalulungkot, dahil alam kong dapat na ring matapos ang kung anumang namamagitan sa'ming dalawa ni Zach.
“I... M-miss you... T-twinnie...” Bulong niya, nanghihina pa at namamalat ang boses.
“Na-miss din kita. Ang tagal mo kasing gumising.” Nagpunas ako ng luha nang maghiwalay kami sa yakap. Ni hindi ko na alam ang dahilan ng pag-iyak ko, dahil ba gising na si Callie o dahil tapos na ang parte ko sa buhay ni Zach. O nagkaroon nga ba ako ng parte? Sa ilang buwan na nagkasama kami ulit... Nagawa ko bang makapasok ulit sa buhay ni Zach?
Ngumiti lang siya sa'kin at lumipat ang tingin sa likod ko, nakita ko kung paano lalong kumislap ang mga mata ni Callie. Hindi ko na kailangang tumingin dahil kilala ko na kung sino 'yon. Gumilid ako para mabigyan siya ng pwesto.
“B-babe...” Callie muttered with a small smile on her lips.
“Hey...” Bulong ni Zach. Mapait akong ngumiti nang mapansin ko ang pangingintab ng mga mata ni Zach, naluluha na. Bakas ang kasiyahan sa mukha niya habang nakatitig kay Callie, dahilan para lalong pilipitin sa sakit ang puso ko.
“D-did you... Miss me?” Tanong ni Callie. Tumango-tango si Zach at inabot ang isang kamay ni Callie para halikan 'yon.
“Of course... I missed you so much. Thank God you're awake.” Dinampian niya pa ng halik sa noo si Callie. Pakiramdam ko ay nanonood ako ng teleserye at silang dalawa ang bida. Ramdam na ramdam kong mahal nila ang isa't-isa...
At nasasaktan ako. Mula sa pwesto ko ay kita ko kung paano naglandas ang mga luha sa mata ni Zach habang nakatitig sa kapatid ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Callie na para bang natatakot siyang bumitaw doon.
Nag-iwas ako ng tingin at agad na lumabas. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Masaya, malungkot, nakokonsensya, nasasaktan. Hindi ko na nga alam kung anong uunahin ko.
Nanghihina akong napaupo. Ano nang gagawin ko ngayon? Ang kapal na nga ng mukha ko na humarap kay Callie, samantalang kasama ko ang boyfriend niya magdamag.
“Bakit ka lumabas?” Umangat ang tingin ko kay Kuya at umupo siya sa tabi ko.
“I just want to give them time.” At hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman. Seeing them together is a different kind of torture.
“I already warned you before, Celline. Look at you now. Are you happy?” Natigilan ako nang marinig 'yon. Kumurap-kurap ako para pigilan ang muling pagtulo ng mga luha.
Hindi... Hindi ako masaya. Hindi ako naging tunay na masaya.
“You chose this, and you have no choice but to face the consequences, Celline.” Dagdag niya pa.
“M-masamang kapatid na ba 'ko kung... Hihilingin ko na sana hindi na lang muna nagising si Callie? Masamang kapatid na ba 'ko kung hihilingin ko na sana... Sana ako muna? G-gusto ko lang ng kaunting panahon... Kaunti lang, para makasama si Zach.” Tinakpan ko ang mukha ko para umiyak.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...