CELLINE
Tiningnan ko ang buhok ko sa salamin. Nasa kili-kili ko na ang haba non at nagsisimula na ring mag-fade ang kulay pula. Nagbabalak na nga 'kong pakulayan 'yon ng bago. I'm thinking about ash gray or maybe blue? Wait, how about green?
Natigil ako sa pag-iisip at bapatingin sa phone kong biglang nag-vibrate.
From: Talipandas
Hospital
'Yun lang ang message ni Zach pero agad na dinayo ng kaba ang buong puso ko.
Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at bumaba. Ako lang ang tao sa bahay kaya hindi na 'ko nagpaalam.
Sinubukan kong tawagan si Zach habang binubuhay ang kotse ko. Pagkatapos ng apat na ring ay sumagot na rin siya.
“Anong nangyari? Ayos lang ba si Milkah?” Tanong ko agad. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Zach.
“I... I don't know. Bigla na lang siyang nawalan ng malay. Her... Her nose is bleeding and...” Hindi na tinuloy ni Zach ang sasabihin. Ramdam ko ang panic at pag-aalala sa boses niya.
“Papunta na 'ko. Hintayin mo 'ko.” Sabi ko at pinatay ang tawag. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse para makapunta ako agad sa ospital.
Pagkarating ko roon ay agad akong dumiretso sa emergency room dahil alam kong doon dinala si Milkah. Hindi nga 'ko nagkamali dahil nakita ko agad si Zach na nakaupo sa waiting area. Nakayuko siya at nakatakip ang dalawang kamay sa buong mukha. Agad akong lumapit at hinawakan ang balikat niya. Nag-angat ng tingin sa'kin si Zach at parang may kung anong kumurot sa puso ko nang makita ko ang mata niyang hilam na sa luha. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.
Isinandal ni Zach ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit pabalik. Habang hinahaplos ko ang likod niya ay nadako ang paningin ko sa magulang niya. Tahimik din na umiiyak si Tita Millie habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Tito Zoren.
“She was... She was fine earlier. She was fine and then...”
“Sshh. Magiging maayos din si Milkah, Zach.” Lumingon sa'kin si Tito Zoren at bahagya akong tinanguan. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi pa 'ko napapansin ni Tita Millie dahil nakasandal ang ulo niya sa balikat ng asawa.
Humiwalay si Zach sa pagkakayakap sa'kin. Marahan kong pinunasan ang pisngi niya na puno ng luha. Sumasakit ang puso ko sa nakikita ko sa kaniya, gusto ko ring umiyak pero alam kong sa'kin kumukuha ng lakas si Zach ngayon. Hindi ako pwedeng maging mahina.
Binalot kami ng katahimikan habang hinihintay ang doktor na lumabas. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Zach habang naghihintay. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nang makita namin ang doktor na lumabas mula sa emergency room. Agad kaming tumayo at sinalubong siya.
“How's my daughter?” Agad na tanong ni Tito Zoren. Pinasadahan kami ng tingin ng doktor at bumuntong hininga. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Zach sa kamay ko.
“I'll go straight to the point, Mr. and Mrs. Delreal, bumagsak na ang immune system ni Milkah. The cancer cells have spread in her central nervous—”
“What?!” Napaigtad ako sa lakas ng boses ni Zach. Humawak na 'ko sa braso niya para pigilan siya sa tangkang pagsugod sa doktor. Narinig ko pa ang pag-iyak ni Tita Millie.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
Storie d'amoreDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...