CELLINE
Nagtuloy-tuloy ang bonding namin sa beach. Noong lunch ay nag-boodle fight pa kami. At ngayong gabi namin ay naisipan ng mga lalaki na gumawa ng bonfire at mag-inuman. Sumama na rin ako dahil wala naman akong gagawin sa hotel room.
Si Kath, Anjie, Jean, Astrid, Adrian, Gino, Zach, at ako lang ang natira dito sa baba para mag-inuman. Si direk at ang ibang staffs ay hindi na sumama sa'min.
“Let's have a game para hindi boring!” Sabi ni Gino nang makaupo na kaming lahat, bumuo kami ng isang bilog. Pinagigitnaan ako ni Kath at Jean. Kaharap ko naman si Zach kaya medyo naiilang ako. Inayos ko ang cardigan na suot ko dahil gabi na at malamig ang simoy ng hangin, naka bikini pa rin kasi ako hanggang ngayon.
“Ano naman 'yon?” Sa gitna ng kadiliman ay napansin ko pa rin ang pangingislap ng mga mata ni Astrid. Napangiti ako dahil halatang may gusto siya kay Gino!
“Spin the bottle. Truth or dare. Tapos kapag hindi sumagot sa truth o kaya hindi ginawa 'yung dare, iinom ng dalawang shot ng tequila!”
“Grabe naman sa dalawa! Malalasing kami non!” Agad na nagreklamo si Anjie.
“That's the goal!” Matunog na tumawa si Gino, napailing na lang ako.
“Let's go!” Rinig kong sabi ni Adrian. Inilapag ni Gino ang bote na walang laman sa buhanginan at pinaikot 'yon. Halos mahigit ko ang hininga habang hinihintay kung kanino hihinto ang bote. Napahinga ako ng maluwag nang kay Anjie huminto 'yon.
“Truth or dare?” May tinatago nang ngisi si Gino, halatang may iniisip na kalokohan.
“Truth.” Prenteng sagot ni Anjie. Lahat kami ay inabangan ang tanong ni Gino.
“When was your last sex?” Halos masamid ako sa diretsang tanong niya! Wala man lang preno!
Napatingin kami kay Anjie, hinihintay ang sagot niya. Inirapan niya si Gino.
“No'ng ano pa... Five years ago pa 'yon...” Nakita kong ngumiwi si Anjie nang sabihin 'yon. Tumawa si Kath.
“Grabe, girl! Tuyot na tuyot!” Pang-aasar ni Kath. Narinig ko namang tumawa sila Astrid.
“Grabe, ikaw kaya ang magbuntis at mag-alaga mag-isa ng anak! Tingin mo may oras pa 'ko sa mga gan'yan?” Parang gusto na ni Anjie na batuhin ng buhangin sa mata si Kath dahil sa pagkapikon. Napatawa naman ako dahil may point siya!
“Next na!” Si Anjie naman ang nagpaikot ng bote at ngumisi ako nang kay Astrid huminto 'yon.
“Dare.” Ang lakas ng loob ni Astrid.
“Okay. Sit on Gino's lap hanggang hindi pa humihinto ang bote sa susunod na pag-ikot.” Napaawang ang labi ni Astrid.
“Woah,” napailing si Gino pero may ngisi naman sa labi. Kunwari pa, eh gusto niya naman! Kinuha ni Astrid ang isang shot ng tequila at diretsong nilagok 'yon, napangiwi pa siya dahil siguro sa tapang at pait. Akala namin ay hindi niya gagawin ang dare dahil uminom siya pero nagulat kami nang tumayo siya at umupo sa hita ni Gino!
“Sana all!” Sigaw ni Jean at tumawa pa. Napatawa na rin ako dahil namumula ang buong mukha ni Astrid, halatang nahihiya.
Inikot na ni Astrid ang bote at napailing ako dahil sa'kin 'yon huminto!
“Truth.” Para safe.
“So... Are you still a virgin?” Tumaas ang isang kilay ni Astrid sa'kin matapos tanungin 'yon at umalis na sa kandungan ni Gino.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...