CELLINE
Three weeks after magising ni Callie ay na-discharge na rin siya sa ospital. We throw a welcome back party for her. She looks so happy when she saw our family complete. All her friends came, except for Swaine. I heard she migrated in States three years ago. Pumunta rin si Zach. They were together the whole time, ni hindi humihiwalay sa kaniya si Callie.
“I missed you so much, twinnie.” Sabi niya habang sinusuklay ko ang buhok niyang hanggang balikat na lang. Naisipan namin na matulog sa iisang kwarto para makapag-catch up.
I stared at her through the vanity mirror before smiling.
“Na-miss din kita, Callie. Huwag mo nang uulitin 'yon, ha? Alam mo bang muntik na 'kong atakihin sa puso no'ng malaman ko ang nangyari sa'yo?” Mahina siyang natawa kaya umirap ako.
“I didn't mean to do that naman. And I promise, hindi ko na uulitin 'yon.” Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok niya.
Na-miss kong gawin 'to. Naalala ko noong mga bata pa kami, madalas naming ginagawang dalawa 'to.
“Celline?” She called me after a moment of silence.
“Hmm?” I hummed, abala pa rin sa pagsusuklay sa buhok niya.
“Thank you. Thank you sa pagpalit sa role ko. You know what? I'm more grateful na sa'yo binigay ang role na 'yon at hindi sa ibang artista. I don't trust them kasi baka mamaya, may hidden feelings pala sila sa boyfriend ko. Atleast, they gave my role to someone I trust the most.” Natigilan ako at biglang nakaramdam ng konsensya.
Hindi ko alam kung magagawa mo pa ba 'kong pasalamatan kapag nalaman mo ang mga ginawa ko habang comatose ka pa, Callie. Baka isumpa mo pa 'ko at itakwil bilang kapatid.
“Callie...” My voice broke. “Y-you don't have to thank me.” Umiling siya.
“No, Celline. I should thank you. I know you hate showbiz pero pumasok ka pa rin doon for me. You really can do everything for me, 'no?” Ngumiti siya.
Tama ka. Gagawin ko nga ang lahat para sa'yo, Callie. Kasi mahal na mahal kita.
“I will do everything for you, Callie.” May luhang tumulo mula sa mga mata ko bago siya niyakap.
“I'm sorry... I'm really really sorry, Callie... I'm sorry kung naging mahina ako...” Paulit-ulit kong sinabi 'yon.
I'm sorry kung hindi naging sapat ang pagmamahal ko sa'yo para pigilan ang nararamdaman ko para kay Zach. I'm sorry kung parehas tayo ng lalaking minamahal. I'm sorry kung naiinggit ako sa'yo dahil ikaw ang mahal at pinili ng taong mahal ko. I'm sorry kung nakokonsensya ako sa maling ginawa ko pero hindi ko magawang magsisi. I'm sorry kung naging masama akong kapatid, Callie.
Hindi ko magawang sabihin sa kaniya 'yon dahil naduduwag ako. Dahil natatakot akong masira ang lahat ng pinagsamahan namin.
“B-basta... Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, Callie...”
“Mahal na mahal din kita, Celline.” Bulong niya sa'kin.
Bumuntong hininga ako at ininom ang margarita na hawak habang blankong nakatitig sa pader.
“Ano ba 'yan. Sana sinabi mo kanina na magtititigan lang pala tayo. Edi sana hindi na tayo nagpunta ng bar.” Lumingon ako kay Jam na nakangiwi na sa'kin.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomansDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...