CELLINE
Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras at agad na 'kong nagpalit ng damit. Sa sobrang pagmamadali ko ay wallet, passport, at phone lang ang nadala ko.
Nang makarating ako sa airport ay nagpasalamat ako dahil nakabili agad ako ng ticket, ang kaso ay isang oras pa ang hihintayin ko.
Naiiyak na 'ko habang hinihintay ang flight. Gusto ko na agad na makarating sa Pilipinas at puntahan ang kakambal ko. Natatakot ako na baka kung ano nang nangyayari sa kaniya sa mga oras na 'to. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Callie. Pumikit ako at tahimik na nagdasal.
Ni hindi ko magawang matulog habang nasa byahe. Nasa labing-dalawang oras ang byahe mula New York hanggang Pilipinas pero hindi man lang ako tinablan ng antok. Mas lamang ang kagustuhan kong makarating na sa Manila para makita ang kapatid ko. Habang tumatagal ang oras ay lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Kahit gutom ay hindi ko na naramdaman.
Nang makalapag ang eroplano ay halos makipag-unahan ako sa mga pasahero para makalabas. Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa ospital na kinaroroonan ni Callie.
Ang sabi ni Kuya sa text ay nasa ICU na raw si Callie kaya nagtanong muna ako sa front desk kung nasaan ang ICU.
Bumagal ang paglalakad ko nang maaninag ko ang mga tao sa waiting shed. Mas lalong nadurog ang puso ko sa nasaksihan. Si Kuya na nakatayo at nakasandal sa pader, tulala pero alam kong nasa malalim na pag-iisip. Si Mommy at Daddy na nakaupo, malakas ang iyak ni Mommy habang nakasandal sa balikat ni Daddy na inaalo siya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“M-mom... Dad...” Pagtawag ko. Agad silang lumingon sa'kin, maliban sa lalaki na nakaupo sa sahig at nakayukyok ang ulo sa dalawang braso na nakapatong sa tuhod niya. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Mommy at tumayo, lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
“Y-yung kapatid mo, Celline...” Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil nahahaluan 'yon ng paghikbi. Hinaplos ko ang likod niya.
“Hush, Mommy... Callie will survive, okay? Kayang-kaya po ni Callie 'yan.” Pinilit kong palakasin ang loob niya. Gustong-gusto ko ring umiyak katulad nila, pero ayokong magpakita ng kahinaan lalo na't alam kong ako lang ang kinakapitan nila ngayon. Nagkatinginan kami ni Kuya habang yakap ko si Mommy, sa kabila ng malungkot at pagod na mga mata ay nagawa niya pa ring bigyan ako ng maliit na ngiti. Gano'n din si Daddy. Naaawa ako dahil kita ko ang pagod sa kanila, hindi ko alam kung ilang oras na ba silang nandito.
Lumipat ang tingin ko kay Zach nang tumayo siya at agad na binuksan ang pinto sa tabi niya. Pumasok siya roon nang hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
“Ano raw ang sabi ng doktor?” Tanong ko kay Kuya, kami na lang dalawang ang nandito sa labas ng kwarto ni Callie. Si Mommy at Daddy ay pumunta sa doktor dahil tumaas ang presyon ni Mommy. Si Zach naman ay hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon, halos dalawang oras na yata ang nakalipas.
“Bumangga 'yung kotse niya sa isang poste. Her body was thrown out through the car's window, mabuti na lang nangyari 'yon dahil kung hindi ay kasama siyang nayupi sa loob ng kotse dahil bumigay ang poste,” mariin akong napapikit. Ni hindi ko ma-imagine ang pinagdaanan ng kapatid ko. “The doctors said it was a miracle that she survived. But she's in coma. Hindi alam kung kailan siya magigising... O kung magigising pa ba siya.” Napahilamos ako sa mukha, hindi na alam ang gagawin.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...