Last Chapter.
CELLINE
Two years passed like a blur. Sobrang bilis ng panahon pero isa lang ang masasabi ko, sobrang saya ko sa nakalipas na dalawang taon. Nanatili ako sa New York dahil sa coffee shop namin ni Nathallie. We're actually planning to build a new branch. Si Callie ay tuluyan nang iniwan ang showbiz career niya at palipat-lipat na lang ng bansa. Noong nakaraang buwan nga ay nandito siya, ngayon ay nasa Brazil naman yata. Kinakabahan na nga 'ko dahil parang malilibot niya na ang buong mundo. Hinahayaan na lang namin dahil deserve naman niya. Si Nate naman ay kasalukuyang nasa Pilipinas, mas gusto niya na raw mag-focus sa company na iniwan ng daddy niya at mas mapapabilis daw ang pagmo-move on niya sa'kin kapag nasa malayo siya, paminsan-minsan ay bumibisita siya rito pero hindi nagtatagal. Kahit gano'n ay masaya pa rin ako dahil walang nagbago sa friendship namin. Magkaibigan pa rin kami.
At kami ni Zach? We're taking one step at a time. Two years ago, after naming magkita sa columbarium ni Zianna ay inaya niya 'kong mag-lunch. Nag-usap kami at muling nagkapaliwanagan. Parehas pa naming mahal ang isa't-isa pero tingin ko hindi pa 'yon ang tamang oras para magkabalikan kami. Pumayag naman siya at sinabing willing maghintay at liligawan pa 'ko! Tuwang-tuwa naman ako dahil parang ka-level ko na ang buhok ni Rapunzel.
Isang beses sa isang buwan siya kung bumisita rito, kung hindi siya busy sa company nila na siya na ang nagma-manage ngayon ay umaabot ng tatlong araw hanggang isang linggo ang pagbisita niya. Natutuwa nga 'ko dahil talagang tinototoo niya ang sinabi niyang manliligaw siya!
Sa nakalipas na dalawang taon, aaminin kong wala namang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya. Parang mas lalo pa ngang lumala. Mas lalo ko pa siyang minamahal sa bawat araw na dumadaan. Sino ba namang hindi? His simple gestures can make me melt in a second. Kahit sa simpleng paghinga niya lang ay lumalambot na ang tuhod ko!
Sa loob din ng dalawang taon, wala akong ibang ginawa kundi mahalin at patawarin ang sarili ko. Sa wakas, natutuhan ko na ring patawarin ang sarili ko sa mga naging desisyon ko noon, sa mga maling nagawa ko, sa mga pagkukulang ko. Mas minahal ko rin ang sarili ko. Ang sarap pala sa pakiramdam 'no? Ang sarap sa pakiramdam na mas mahal mo ang sarili mo kesa sa ibang tao, 'yung tipong hindi mo na kailangang mamalimos ng pagmamahal galing sa iba dahil kayang-kaya naman 'yong ibigay ng sarili mo. Hindi mo na kailangan ng ibang tao para sumaya ka, dahil sarili mo lang sapat na. Hindi ka na iiyak tuwing gabi at iisipin kung ano bang mali sa'yo, dahil alam mong walang mali sa sarili mo.
Most of us tends to forget the most important kind of love that we could ever give to ourselves, and that is self love.
[Hoy, bakla!] Napairap ako dahil pagbukas ko ng skype ay tumatawag agad si Jam. Sinagot ko 'yon habang nagluluto ako para sa dinner.
"Oh, anong kailangan mo?" Tanong ko at tinikman ang niluluto kong tinolang manok.
[Kailan ka uuwi rito? O uuwi ka pa ba?] Lumingon ako sa screen at natawa ako nang makitang nakataas na ang isang kilay ng bakla, nagtataray. Pinatay ko ang stove at umupo ako sa high stool para makausap siya ng ayos.
"Diyan ako magpapasko." Sagot ko.
[Pasko? Pasko pa? Celline naman! March pa lang ngayon!] Malakas akong natawa dahilan para lalong mairita ang kaibigan ko.
"Ano naman? Buti nga uuwi ako!" Inirapan ko siya.
[Binyag na ni Janna Mikaella sa susunod na buwan! Nilista na kita sa mga ninang!] Ang tinutukoy niya ay ang bunso niyang anak na tatlong buwan pa lang ngayon. [At bawal tumanggi! Hindi ka nag-ninang no'ng binyag ni Tanner kaya dapat ninang ka na ngayon.] Napangiwi ako. Paano ako magni-ninang kay Tanner no'n eh huli ko ngang nalaman na may anak na pala siya! Mag-iisang taon na rin si Tantan no'n.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...