TWENTY SEVEN

2 2 0
                                    

CELLINE



“Celline!” Napahinto ako sa tangkang pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Callie. Lumingon ako at nginitian siya.



“Callie, bakit?” Tanong ko at sumandal sa pader. Sobrang napapagod na kasi ako sa rami ng school works at gusto ko nang humiga sa kama ko para matulog.



“How are you?” Ngumiti pa siya sa'kin.



“Ayos lang naman. Ikaw?” Balik tanong ko. Kahit napapagod ay hindi ko pa rin maiwasang ngumiti dahil nararamdaman kong parang masaya si Callie ngayon.



“Oh, I'm fine twinnie. I'm actually happy.” Sagot niya.



Halata nga.



“That's good to hear. Anyway, gusto pa sana kitang makausap kaso inaantok na talaga 'ko. Next time na lang?” Ngumiti siya at lumapit sa'kin para mahalikan ako sa pisngi.



“Sure, have a good night sleep, twinnie.” Tumango ako.



“Ikaw din.” Yun lang at umakyat na 'ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay tinanggal ko agad ang sapatos at medyas ko bago ako humiga sa kama.



Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang pagod. Nakakainis! May isang prof kami na kung makapagbigay ng gawain akala mo last day na namin sa earth! Tapos kapag magle-lesson naman, parang hangin lang na dumaan.



Narinig ko ang pagri-ring ng phone ko kaya inabot ko ang bag ko para kunin 'yon.



Tumatawag si Zach.



“Hello?” Sagot ko bago humikab. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.



[Hey... Are you sleeping? Did I disturb you?] Umiling ako na parang nasa harapan ko siya.



“Hindi... Kauuwi ko nga lang.” Sagot ko bago tumingin sa wall clock. 8:32 na ng gabi.



[You sounds tired.]



“Hm... Hindi naman masyado. Inaantok lang talaga ako.” Halos dalawang linggo na rin simula nang ipakilala sa media si Zach. Simula no'n ay naging sobrang busy na siya. Tuwing gabi lang kami nakakapag-usap at sa phone pa, hindi rin ganoon katagal dahil parehas kaming pagod, kadalasan nga ay nakakatulugan na namin ang isa't-isa.



Namimiss ko na siya pero hindi naman kami pwedeng magkita dahil mainit ang mata sa kaniya ng media. Noong isang araw nga ay nagrereklamo siya sa'kin dahil may media na sinundan siya sa ospital, nalaman tuloy nila na nasa ospital si Milkah. Kasabay no'n ang paglabas ng balita tungkol sa pagpunta ni Callie sa ospital, noong kinausap niya kami tungkol sa pagpasok ni Zach sa showbiz. Maraming rumors na kumakalat na si Milkah rin daw ang binisita ni Callie noong araw na 'yon.



[Then sleep now, love.] Sabi niya. Napahinga ako ng malalim dahil gusto kong sabihin na magkita kami ngayon, miss na miss ko na kasi siya. Pero hindi naman pwede.



“I miss you, love.” Bulong ko.



[I miss you too. So much. I'll find a way, okay?] Napatango ako.



[Sleep now. You need to rest para may energy ka bukas. I love you.]



“I love you too. Good night.” Sabi ko bago 'ko hinayaang pumikit ang mga mata ko, hindi ko na binaba ang tawag.



“Sleep well, my love.” Narinig ko pang sabi ni Zach bago ako nilamon ng antok.





























Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now