CELLINE
Sobrang ganda ng gising ko kinaumagahan. Kinapa ko ang gilid ko at hindi ko na naramdaman si Zach. Unti-unti akong dumilat at nag-inat. Pagkatapos ay inikot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo. Kinuha ko ang isang toothbrush doon na ginamit ko rin kagabi para magsepilyo, pagkatapos ay naghilamos na 'ko. Pagkalabas ko ay saktong bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Zach na may hawak na food tray. Ngumiti siya nang magtama ang paningin namin. Nilagay niya sa bedside table 'yung pagkain. Naglakad naman ako para makaupo sa kama.
“How's your sleep?” Tanong niya at hinalikan ako sa noo. Imbis na sumagot ay naalala ko ang nangyari sa'min kagabi kaya pinamulahan ako ng pisngi.
Gaga ka, Celline! Act normal!
“Uh... Ayos lang. Ikaw? Masakit ulo mo 'no?” Tanong ko. Mahina siyang natawa at tumabi sa'kin.
“Kaunti lang. I slept well last night. Thanks to you.” Pilyo niya pa 'kong nginitian na parang sinasabing naaalala niya ang ginawa namin kagabi kahit lasing siya. Inirapan ko na lang siya at inabot ang food tray.
“Para sa'kin 'to?” Nangingiti kong tanong. May fried rice, bacon at sunny side up egg. May isang basong gatas pa.
“Yep! I prepared that for you. I took almost one hour. Hindi ko ma-perfect ang sunny side up.” Tiningnan niya pa ang itlog na parang may malaking kasalanan sa kaniya 'yon. Natawa na lang ako.
“Kahit naman hindi perfect ayos lang. Kumain ka na ba?” Umiling siya.
“Feed me?” Natawa ako at napailing. Ang clingy! Pero ginawa ko pa rin. Sinusubuan ko siya habang kumakain din ako.
“Sila Tita Millie pala?” Tanong ko.
“Nasa ospital. Chemo therapy ni Milkah ngayon. Pupunta rin ako mamaya, pagkahatid ko sa'yo.” Napatango ako. Gusto ko sanang sumama kaso ngayon ang uwi nila Dad.
Napatingin ako sa phone kong nasa bedside table dahil nag-ring 'yon.
Tumatawag si Kuya.
[Where the hell are you, Celline? Bakit wala ka sa bahay?] Seryoso ang boses ni Kuya nang magtanong sa'kin.
“Na kila.... Zach ako. Pauwi na rin ako, Kuya.” Sagot ko.
“Bilisan mo. We'll talk once you get home.” 'Yun lang at pinatay niya na ang tawag. Napatingin ako kay Zach nang ibaba ko ang phone mula sa tenga ko. Napanguso ako dahil alam kong papagalitan ako ni Kuya mamaya pagkauwi ko.
“Kailangan ko nang umuwi. Nalaman ni Kuya na wala ako sa bahay.” Sabi ko.
“Hindi ka ba nagpaalam?” Umiling ako. Nakalimutan ko na kasi kagabi.
“Well... You really should go home. Baka magalit ang Kuya mo.” Tumango ako.
“Pahiram ako ng shirt mo ah. Wala 'kong dalang extrang damit.” Ngumiti si Zach at tumango.
“Nasa closet ko ang sinuot mo kahapon. Pinalaba ko kanina. Katutuyo lang non.” Tumango ako.
“Ibababa ko lang 'tong pinagkainan mo.” Paalam ni Zach at tumayo na dala ang foodtray. Pagkalabas niya ay tumayo na 'ko at nagtungo sa closet niya.
Binuksan ko ang closet at nakita ko agad ang pantalon at shirt ko na maayos ang pagkakatupi. Kinuha ko ang pantalon ko. Iiwan ko na lang 'tong shirt na 'to para may remembrance si Zach.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...