THIRTY TWO

2 2 0
                                    

CELLINE




I woke up with a light feeling. Maganda ang gising ko ngayon dahil espesyal ang araw na 'to sa'kin. Umupo ako at isinandal ang ulo ko sa headrest. Pumipikit-pikit pa ang mga mata ko at hindi ko rin napigilan ang paghikab. Tumingin ako sa side table at napangiti ako nang makita ang isang kulay pulang rosas doon.



Sabi na eh!



Kinuha ko pa ang maliit na sticky notes na nakadikit sa tangkay ng bulaklak.



'Happy birthday, my princess! Go downstairs and your breakfast is waiting for you.

Love,

Daddy




Gawain na talaga ni Daddy na bigyan kami ni Callie ng rosas tuwing birthday namin. Napatingin ako sa pintuan. Bakit kaya hindi pa pumapasok dito si Callie? Siya kasi lagi ang unang nagigising tuwing birthday namin, papasok siya sa kwarto ko dala-dala ang rosas na bigay ni Daddy at babatiin ako.



Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo na para pumunta sa banyo. Mag-aayos muna 'ko bago bumaba.



Habang sinusuklayan ko ang buhok ko ay biglang nag-ring ang phone ko na nasa bedside table. Kinuha ko 'yon at napangiti nang makitang si Zach ang tumatawag.



[Happy birthday, love...] His bedroom voice welcomed me. Parang kagigising lang at ako agad ang tinawagan.



"Thank you, love. Good morning, kagigising mo lang?" Sambit ko.



[Hmm, yeah.] Sagot niya sa'kin, parang inaantok pa.



[I'll fetch you later. We're going to have dinner, okay? Nasabi ko na sa Daddy mo.] Lalong lumawak ang ngiti ko at napatango ako.



"Talaga? Saan naman?" Excited kong tanong.



[Secret. Now, I want you to enjoy this day with your family. Happy birthday again, love. I love you.]



"I love you too." I answered before he ended the call. Mas lalo namang gumanda ang araw ko dahil dalawang importanteng tao sa buhay ko ang bumati na sa'kin.



Lumabas na 'ko ng kwarto at sakto namang lumabas din si Callie sa kwarto niya kaya nagkatinginan kami.



"Happy birthday!" Sabay pa naming sabi kaya sabay din kaming natawa. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.



"Happy birthday to us, Callie." Sabi ko.



"Yeah, happy birthday to us." Niyakap niya pa 'ko ng mahigpit bago pinakawalan. Nagkatinginan ulit kami at sabay na ngumiti. Inabot ko ang kamay niya, naghawak kami ng kamay habang pababa sa hagdan.



Napangiti ako lalo. Namiss ko 'yung ganito, nitong mga nakaraang buwan kasi ay napapansin ko na parang lumalayo ang loob sa'kin ni Callie.



O nago-overthink lang talaga ako?



I brushed the thoughts away. Birthday namin ngayon kaya dapat masaya lang ako.




Pagkarating namin sa dining area ay napapikit ako dahil sa biglaang pagsabog ng confetti sa'min ni Callie.



"Happy birthday!" Dumilat ako at nakita ko ang magulang namin na magkatabi at nakangiti sa'min. Sa tabi nila ay si Kuya na may hawak pang cake.



"Blow the candle first." Lumapit sa'min si Kuya. Sabay naming ipinikit ni Callie ang mga mata namin para humiling.



Masaya na 'ko ngayon kaya ang gusto ko na lang ay kasiyahan para sa pamilya ko. Lalo na kay Callie.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now