CELLINE
“Celline, do you want to eat?” Tanong ni Nate sa'kin nang nasa parking lot na kami. Bumuntong hininga ako at umiling.
“I'm sorry, Nate. Pagod na kasi ako eh. Promise, next time babawi ako sa'yo.” Tumango siya at ngumiti.
“It's fine. I understand that you're busy. Maybe next time?” Ngumiti rin ako at tumango.
“Ingat ka sa pag-uwi.” Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Tumango naman siya sa'kin.
“You too.” Sabay na kaming sumakay sa kotse namin at pinaandar ko na 'yon.
Malayo ang takbo ng isip ko habang nagmamaneho. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta, pagod na 'ko pero ayoko pang umuwi. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan makakahinga ako ng maluwag.
Hindi ko alam pero kusa na lang huminto ang kotse ko sa pamilyar na lugar. Lumabas ako ng kotse at niyakap agad ako ng simoy ng hangin. Gabi na kasi.
Sa bawat hakbang ko palapit sa lugar na 'to ay bumalik na naman ang mga ala-ala sa'kin.
Saksi ang lugar na 'to kung gaano katamis at kasaya ang naging simula namin ni Zach.
Saksi rin ang lugar na 'to kung gaano kasakit ang pagtatapos naming dalawa.
Dito... Dito nabuo ang mga pangarap namin para sa isa't-isa. Dito ako nagsimulang mangarap ng kinabukasan na kasama siya.
Alam ng mga butuin dito kung ilang beses kong hiniling na sana kami na lang hanggang dulo... Ilang beses kong hiniling na sana matupad ang lahat ng pangarap namin nang magkasama.
Dito ko siya iniwan. Dito ko siya sinaktan. Dito ko binitawan ang lahat sa'min. Dito siya nagmakaawa sa'kin. Dito... Sa mismong lugar na 'to, nangyari ang eksenang halos gabi-gabing laman ng panaginip ko.
“What are you doing here?” Natigilan ako nang marinig ang boses na 'yon. Agad akong nagpunas ng luha bago siya hinarap.
“Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko pabalik.
“I asked you first.” Binasa ko ang labi ko bago sumagot.
“Wala lang... Gusto ko lang ng sariwang hangin.” Napataas ang isang kilay niya.
“Ikaw?” Nagkibit lang siya ng balikat.
“Nadaanan lang.” Hindi agad ako naniwala dahil hindi naman dito ang daan papuntang bahay niya, pero hindi na lang ako nagsalita.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa'min. Walang may gustong magsalita. Mas gusto ko pa ang ganito, kahit hindi siya nagsasalita, atleast nararamdaman ko ang presensya niya.
“Where's your dear?” Nahimigan ko ang pagiging sarkastiko sa boses niya.
Si Nate ba ang tinutukoy niya?
“Umuwi na.” Sagot ko. Umismid siya kaya inis ko siyang tiningnan.
“Para kang tanga.” Hindi ko na napigilang sabihin 'yon. Hindi naman ako manhid at mas lalong hindi ako tanga. Kaunti na lang iisipin ko nang nagseselos siya.
“Tanga ka rin.” Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ulit siya. Aba! Marunong nang lumaban!
“Ano pa bang gagawin mo rito? Pwede bang umuwi ka na?” Inis kong tanong. Hindi ako makapag-isip ng maayos kapag nararamdaman ko ang presensya niya.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...