THREE

6 2 0
                                    

CELLINE



Pasimple akong humikab habang nakikinig sa mga sinasabi ng history prof namin. Papikit-pikit ang mga mata ko habang may sinusulat na timeline si prof sa board.



“Aray!” Napaigik ako at napahawak sa braso ko nang may kumurot doon. Masama kong tiningnan si Jan Mikael na Janna Mikaela na ngayon.



“Anong problema mo?” Bulong ko dahil baka marinig kami ni prof. Maarte niya 'kong inirapan.



“Duh? Wag kang matulog gaga ka. Baka gusto mong mapagalitan ni prof.” Inikot ko ang mga mata ko. Kasalanan ko bang nakakaantok at sobrang boring ng subject niya? I mean, past is past diba? Ano bang pakielam ko sa mga taong matagal nang patay?



Sumandal ako sa likod ng upuan at humikab. Sakto namang humarap sa'kin si prof.



Patay.


“Miss Suarez, ano't humihikab ka sa klase ko?!” Tanong niya sa'kin sa maarteng boses.



“Sorry prof, nangangalay lang po 'yung panga ko.” Hindi ko naman sinadyang magtunog sarkastiko pero mukhang nagtunog ganoon ako dahil narinig kong tumawa ang iba kong kaklase, nag-oooowww pa ang iba!



Namilog ang mga mata ni prof at halatang hindi niya gusto ang sinagot ko.



“Aba't sumasagot ka pa ha!” Dinuro niya 'ko gamit ang white board marker na hawak niya.



Eh diba nagtanong siya? Natural sasagot ako.



“Kasi prof... Nagtanong ka po.” Sagot ko at nagtawanan na naman ang mga epal kong kaklase.


“Ah gano'n! Wala kang respeto! Noong kabataan namin ay hindi gan'yan ang ugali ng mga bata! Mababait, magalang, masunurin! Hindi katulad niyo! Mga mangmang!” Bla bla bla. Bagay talaga sa kaniya ang subject niyang history dahil mahilig siyang bumalik sa nakaraan.







Natapos ang buong klase namin na puro sermon ni prof. Ang daming sinasabi! Paulit-ulit na lang!



“Gaga ka talaga, bakla! Alam mo bang nagsusumbong sa dean 'yon si prof? Sana hindi mo na sinagot.” Pangaral sa'kin ni Jam. I rolled my eyes habang naglalakad kami sa hallway.



“Ang OA niya kasi! Parang humikab lang, akala mo katapusan na ng mundo. Eh bakit si Arnold? Laging tulog 'yon sa klase pero hindi niya naman pinapagalitan. Kasi nga bet niya!” Napangiwi ako. Natawa naman si Jam sa sinabi ko.


Bakit? Totoo naman ha? Kapag gwapong lalaki, okay lang kahit malakas pa ang hilik sa classroom, pero kapag kami ng mga babae humikab lang, galit na agad!



“Aray, tangina!” Napahawak ako sa noo ko nang matamaan 'yon ng bola. Ang bigat ng bola at sapul na sapul sa noo ko kaya pakiramdam ko umikot ang paningin ko saglit.



“Omg girl, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Jam at hinaplos pa ang noo kong natamaan.



“Sino 'yon?!” Inis na sigaw ko.



“Sorry, Miss. Hindi ko sadya.” May lalaking lumapit sa'kin at nag-sorry. Hawak niya na ang bola. Sinamaan ko siya ng tingin.



“Sorry? Tingnan mo nga 'yung ginawa mo sa noo ko! Bakit ba kasi dito ka naglalaro eh hindi naman 'to basketball court? Papansin ka ba?” Galit na tanong ko sa kaniya. Napakamot siya sa kilay niya at nahihiyang tumingin sa'kin.



“Sorry talaga, Miss.” Hingi niya ulit ng paumanhin pero masyado akong badtrip para tanggapin 'yon.



“Patawarin mo na, bakla. Gwapo naman eh.” Bulong sa'kin ni Jam at kinurot pa 'ko sa tagiliran. Tiningnan ko siya at inirapan. Ang harot!



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now