FOURTY THREE

4 2 0
                                    

CELLINE




Nang makarating ako sa living room ay naabutan ko si Tita Wailey na nasa single couch, kaharap niya si Mommy na nakaupo sa sofa. Tumabi ako ng upo sa Nanay ko.




“Ano pong... Pag-uusapan?” Takang tanong ko. Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot si Tita Wailey.




“Well... Callie's still in coma and she has an on-going project,” napatango ako sa sinabi ni Tita Wailey. Nasabi na 'yon ni Dad kanina.




“Ano pong kinalaman ko roon?” Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila 'ko pinatawag dito.




“I'll get straight to the point, iha. We need your help.” Kumunot ang noo ko.




“Ano hong tulong?” Napatingin ako kay Mommy pero hindi naman siya sumagot.




“We can't leave the teleserye hanging especially that we're in the middle of the story. That's why we're asking for your help, Celline... Na kung pwedeng ikaw muna ang pumalit sa role ni Callie habang wala pa siya.” Napailing ako at tumingin kay Mommy.




“I'm sorry pero ayoko po.” Sagot ko. Bakit ko papalitan si Callie? Unang-una, wala akong alam sa pag-arte, pangalawa, ayoko sa showbiz, at pangatlo, may nakaraan kami ni Zach! Ang awkward non!




“Celline, anak... Pumayag ka na. Pansamantala lang naman—”




“Mommy, seryoso ka ba? Nasa ospital at hindi pa rin nagigising ngayon si Callie, tapos mas inuuna niyo pa 'to?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Dapat ang priority namin dito ay ang kalagayan ni Callie, hindi itong lecheng teleserye na 'to!




“Hindi ba pwedeng ihinto na lang 'yan? Maiintindihan naman siguro nila na comatose pa rin ang kapatid ko ngayon, diba?” Bumaling ako sa manager ni Callie.




“I'm sorry, Celline. But the producers already spend a lots of money for this. Hindi pwedeng basta ihinto na lang.” Sagot niya. Napamasahe ako sa sentido ko.




“This project is so important to your sister, Celline. This is supposed to be her last project before she settle down.” Sabi ni Mommy.



“Mom, alam niyo namang...” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.




“Just like what your Mom said, this teleserye is so important to your sister. Umaasa pa rin ako na mababago ang desisyon mo, Celline. Para naman sa kapatid mo 'to at pansamantala lang. Kapag nagising at naka-recover na si Callie, pwede ka nang bumalik sa dati mong buhay.”

















Habang papunta ako sa ospital ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Ito ang ayoko eh, mabilis magbago ang desisyon at pananaw ko sa buhay kapag si Callie na ang usapan. Aaminin kong siya ang kahinaan ko, sobrang lambot ko pagdating kay Callie. Bata pa lang kami ay nangako na 'ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya. Gano'n kahalaga sa'kin ang kakambal ko.




At ngayon, gagawa na naman ako ng desisyon na involved ang kapatid ko.








Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ni Callie ay si Kuya ang tumambad sa'kin. Hinalikan ko siya sa pisngi.




“Kanina ka pa?” Tanong ko at nilapag ang shoulder bag ko sa may sofa.



“Kanina pa.” Sagot niya, napansin ko ang mansanas na hinihiwa ni Kuya. “You want?” Iniumang niya pa sa'kin ang platito na may lamang hiniwa na mansanas. Ngumiti ako at umiling, naalala ang mga panahon na naglilihi pa 'ko kay Zianna. Gustong-gusto ko ang mansanas noon, na kahit sa pagtulog ay kailangan katabi ko pa 'yon.




Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now