ELEVEN

3 2 0
                                    

CELLINE



Lumipas ang tatlong linggo sa'ming dalawa ni Zach. Gabi-gabi niya 'kong binibigyan ng bulaklak. Nagdi-dinner din kami minsan. Sa loob ng dalawang linggong 'yon ay lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.



Ngayon na lalabas ang result ng bone marrow biopsy ni Milkah at sasamahan ko si Zach na kumuha non. Hindi na sumama si Tita Millie dahil binabantayan niya si Milkah.



Nasa kotse kami ngayon at malapit na sa ospital. Mahigpit ang hawak ni Zach sa kaliwang kamay ko at panay din ang buntong hininga niya.



"Zach, relax." Sabi ko kahit pati ako ay kinakabahan na rin.



"I can't, Celline." Bahagya kong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa'kin.



"You have to be strong whatever the result is." Sabi ko at tumango siya. Ngumiti ako sa kaniya at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko habang nagmamaneho.












Pagkarating namin sa ospital ay agad kaming dumiretso sa office ni Doctor Sanchez. Siya kasi ang may hawak ng result.



"Good morning, Doc. We're here to get the result of my sister's bone marrow biopsy. Kyrine Milkah Delreal." Sabi ni Zach. Tumango ang doktor.



"Please take a seat." Sabi ni Doc Sanchez at iminuwestra pa ang dalawang upuan sa harap ng table niya. Sabay kaming umupo ni Zach. May kinuha ang doktor sa drawer ng table niya at inilabas ang isang brown envelope na may kalakihan. Binuksan niya 'yon at kinuha ang isang papel. Sandali pa niyang tinitigan ang papel na 'yon at napabuntong hininga nang tumingin sa'min ni Zach.



"I'll go straight to the point. Your sister has Acute Lymphocytic Leukemia." Sabi ng doktor. Nakita ko ang pagkuyom ng dalawang kamao ni Zach na nasa ibabaw ng hita niya kaya kinuha ko ang isa non at hinawakan ng mahigpit.



"Ano pong... Ibig sabihin non?" Tanong ko.



"Acute lymphochytic leukemia is more common to children. Her bone marrow produces immature cells that turns into leukemic white blood cells called lymphoblasts. Lymphoblasts can grow rapidly and it can crowd out healthy cells," napatango ako sa sinabi ng doktor kahit iilan lang ang naintindihan ko. "Her body produces an abnormal level of white blood cells and abnormally low red blood cells and platelets. That causes leukemia."



"Ano pong pwede naming gawin? May treatment po ba para gumaling si Milkah?" Ako na ang nagtanong dahil parang nawala sa sarili si Zach. Malayo ang tingin niya at hindi gumagalaw.



Napatango ang doktor.



"She will be needing a lots of rest. Mas madali siyang mapapagod ngayon dahil mahina ang immune system niya. Make her eat healthy foods such as fruits and vegetables kahit wala siyang gana. And about the therapy... We will set up a schedule for her first chemo therapy session. Napag-usapan na namin ni Mrs. Delreal na ia-undergo sa chemo therapy ang anak niya." Sagot ng doktor.



"Kakayanin po kaya ni Milkah 'yung therapy? I mean... Bata pa po siya." Umaasa kong tanong.



"Chemo therapy isn't painful. Hindi naman matagal ang process non but the side effects will be hard on her especially at her age. She will experience vomiting, hair loss, fatigue and such but she has to endure it. This will be a long fight but know that we will do our best to cure her." Tumango ako.



"Sige po, Doc. Maraming salamat po." Tumayo ako para makipag-kamay sa kaniya at kinuha ko na ang brown envelope na may lamang resulta ng bone barrow biopsy ni Milkah.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now