CELLINE
Kumunot ang noo ko nang huminto ang kotse ni Zach sa harap ng Real Shopping Mall.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko at nagtanggal ng seat belt.
“Manonood tayo ng sine.” Sagot niya. Napasimangot ako bigla nang maalala ang pagtatalo namin noon sa sinehan.
“Tapos magrereklamo ka na naman na maingay ako?” Tanong ko na tinawanan niya.
“I won't. Sinasanay ko nga ang sarili ko eh.” Sabi niya habang may maliit na ngiti sa labi. Nag-iwas ako ng tingin para hindi madala sa ngiting 'yon.
Sabay na kaming lumabas ng kotse.
Habang naglalakad kami papasok ng mall ay inabot niya ang isang kamay ko at hinawakan 'yon. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin dahilan para dumoble sa bilis ang tibok ng puso ko.
“Your father manages this mall.” Namamangha kong sabi habang nakasakay kami sa escalator.
“Yeah. Nauubusan naman siya ng oras sa'min.” Sagot ni Zach dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“Hindi naman kasi biro ang magpatakbo ng malaking kumpanya, Zach. You will manage your Dad's company someday. Maiintindihan mo rin siya.” Umiling siya.
“Kapag nagkaanak tayong dalawa, sisiguraduhin kong mabibigyan ko sila ng sapat na oras at atensyon. I don't want our children to think that they aren't my first priority.” Nanlalaki ang mga mata kong napalingon kay Zach. Anak? Namin?
Ngumiti lang siya sa'kin na parang wala lang ang sinabi niya!
“Ang advance mo mag-isip! Anak agad?!” Sabi ko nang makaalis kami sa escalator. Tumawa siya ng mahina at marahang pinisil ang kamay kong hawak niya.
“Is it bad? I was just thinking about our future.” Prenteng sagot niya. Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin din 'yon. Pinigilan kong ngumiti. Hindi naman ako na-inform na maganda pala sa pakiramdam ang mag-imagine ng future kasama ang taong mahal mo.
Comedy ang napili naming movie ni Zach. Umupo kami sa pinaka dulo. Sa pwesto namin kung saan ko siya unang nakita.
“Noong huling punta ko rito, nabadtrip ako.” Bulong ko na mukhang narinig ni Zach dahil tumawa siya.
“Ako rin.” Sagot niya kaya binatukan ko siya. Hindi siya naka-ilag dahil sa bilis ng kamay ko kaya tumawa siya.
Siya pa ang nabadtrip ha?!
“Wala naman talaga 'kong balak manood ng sine non kaso nakita kitang bumibili ng ticket. I was arguing with myself for almost five minutes if I should follow you inside or not." Natawa siya ng mahina.
“Sinundan mo 'ko.” Mahinang sabi ko. Nakita ko ang pagtango niya.
“Something inside me wins.” Simpleng sagot niya. Napatingin ako kay Zach at halos mapasinghap ako dahil halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Medyo nakatingala pa 'ko dahil matangkad siya.
Tandang-tanda ko ang eksenang 'to. Noong mga panahon na inatake ako ng hika tapos nandoon siya. Ganitong-ganito rin ang ayos namin. Ibang lugar at pagkakataon nga lang, pero walang nagbago sa tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...