CELLINE
One week. It has been one painful week. Hindi ko alam kung paano kong natagalan ang isang linggo na 'yon. Basta ang alam ko lang ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumulala sa isang gilid, hanggang sa maramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit sa panaginip ay dala-dala ko ang sakit ng pagkawala niya. Hindi ko matanggap, at hindi ko alam kung matatanggap ko pa ba.
Kagabi lang ay nanaginip akong may karga na isang sanggol. Napakagaan niya sa mga bisig ko at parang unan lang ang buhat ko. Nang idinilat niya ang mga mata ay naramdaman ko ang pagbuhos ng emosyon sa'kin, dahil ramdam ko na anak ko 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko non, na kung pwede lang na manatili sa panaginip na 'yon ay ginawa ko na. Nang magising ako ay tsaka lang ako nakabalik sa reyalidad na wala na nga pala 'kong anak, na panaginip lang ang lahat.
"Celline, kain na tayo?" Napatingin ako kay Jam. Dalawang araw matapos kong makauwi ay bigla na lang siyang sumulpot dito. Siguro si Nate ang nagsabi. Walang salitang lumabas sa bibig ko noong mga oras na 'yon pero nang maramdaman ko ang yakap ni Jam ay muli na naman akong napaiyak.
"Hindi ako nagugutom." Mahinang sagot ko at ibinaling ang tingin sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw, tanghali na siguro.
"Celline, kailangang mong kumain. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo." Ramdam ko ang hirap sa boses ni Jam. Alam kong nahihirapan din sila dahil sa'kin. Si Jam, Allie, at Nate ang naging kasama ko. Halos halinhinan sila sa pagbabantay sa'kin, nakakakonsensya na nagiging pabigat pa 'ko pero hindi ko naman hiniling sa kanila na samahan at damayan ako, dahil kahit ilang yakap at tao pa ang dumamay sa'kin, hindi non mababawasan ang sakit at pangungulila na nararamdaman ko. Tanging ang anak ko lang ang makakawala non, siya lang at wala nang iba.
"Eh anong gagawin mo? Ganiyan na lang? Celline, naiintindihan kong sobrang hirap sa'yo na tanggapin ang lahat pero kailangan mong ipagpatuloy ang buhay. Nandito pa kami, oh. Nasasaktan kami, ako, na nakikita kang gan'yan. Parang ayaw mo nang mabuhay eh." Napalingon ako kay Jam. Nakita kong lumuluha na ang kaibigan ko, halatang nasasaktan.
"Tama ka. Ayoko na ngang mabuhay. Ayoko na, Jam." Wala silang alam kung ilang beses kong hiniling na sana ay hindi na lang ako magising, dahil mas gusto kong manatili sa panaginip kung saan kasama ko ang anak ko. Masaya kaming dalawa, malayo sa problema.
"You don't mean that, Celline. Sinasabi mo lang 'yan dahil nasasaktan ka at hindi mo matanggap ang pagkawala ng anak mo. Naisip mo ba? Sa tingin mo ba masaya ang anak mo na nakikita kang gan'yan? Sigurado ako na kung nandito lang siya, sasabihin niya rin sa'yo na magpatuloy ka sa buhay." Hindi ako sumagot.
"Ang hirap-hirap na kasi... Ang bigat-bigat na, Jam. Ang sakit-sakit na..." Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Pumipintig na ang sentido ko sa kakaiyak pero wala akong magawa, hindi ko kayang pigilan ang mga luha kapag anak ko na ang pinag-uusapan.
"You will get through this, okay? Nandito lang ako, kami. Hindi ka namin iiwan, Celline. Malalampasan mo rin ang pagsubok na 'to. Makakaahon ka rin. Mahal na mahal kita." Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Jam habang sinasabi 'yon, tanda na nagpipigil siya ng luha. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"I can't go back to the Philippines yet. May inaasikaso pa 'ko rito. Hindi niyo ba kayang ayusin 'yan?" Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Nate. Unti-unti akong dumilat at nakita ko siyang nakaharap sa bintana ng kwarto ko, may kausap sa phone niya. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya 'ko nakikita.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...