SEVEN

6 2 0
                                    

CELLINE



Napatigil ako sa paglalagay ng nail polish sa kuko ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Kumunot ang noo ko at kinuha 'yon mula sa bedside table.


Tumatawag ang baklang si Jan Mikael!


“Anong kailangan mo?” Tanong ko tapos hinipan ang kuko ko sa kaliwang kamay para matuyo agad. Kulay beige lang ang nilagay ko para simple.


[Where are you?] Tanong niya.


“Nasa bahay malamang. Bakit?” Saturday kasi ngayon at wala kaming pasok.


Ni-loud speaker ko ang phone ko at ibinaba 'yon sa kama para malagyan ko ng nail polish ang kanan kong kuko.


[Magbihis ka. May pupuntahan tayong party.] Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jam.


Anong party na naman 'yon?


“Ayokong pumunta. Ikaw na lang. Busy ako.” Sabi ko kahit wala naman talaga 'kong gagawin dito ngayon kundi matulog at kumain. Ako nga lang ang nandito sa bahay bukod sa mga kasambahay eh.


[At ano namang ginagawa mo ngayon, aber? Tigilan mo 'ko Celline ha. Pupunta tayo ng party ngayong gabi!] Napairap ako sa kasungitan niya.


“Oo na! Anong oras ba? Tsaka saan ba 'yon?” Pumayag na 'ko dahil alam ko namang hindi ako titigilan ni Jam hangga't hindi ako pumapayag.


Kapag sinabi niyang aalis kami, aalis talaga kami. Wala nang pero pero. Ganon!

[I'll pick you up at Seven PM. Huwag mo nang dalhin ang kotse mo.] Sagot niya.


“Saan nga 'yon?” Tanong ko ulit.


[Basta masaya roon! Maraming gwapo kaya mabubusog tayo ngayong gabi. Seven PM ha! Bawal ma-late! Babye! Mwah!] Sabi niya at pinatay na ang tawag.


Napangiwi ako. Ano namang nakakabusog sa mga gwapo?


Tinapos ko na lang ang pagma-manicure ko. Nang matuyo na ay nag-shower ako. Five twenty PM pa lang kaya mahaba pa ang oras ko. Pagkatapos kong maligo ay niblower ko ang buhok ko. Tapos pumunta akong closet para maghanap ng damit na susuotin.


I stared at my clothes, thinking what I should wear. Sa huli, sinuot ko na lang ang black lace short dress ko. Long sleeve yon at see-through and buong braso at ibabaw ng dibdib. May mga polkadots din sa see-through parts ng dress.


Ang cute lang.


Pinaresan ko 'yon ng black ankle strap heels. Kinuha ko ang black pouch ko at naglagay ng maliit na alcohol doon, tissue, at lipstick. Pumunta ako sa drawer ko para kumuha ng panyo nang makita ko ang panyong pinahiram ko kay Zach. Hindi ko talaga nilabhan 'yon para hindi mawala ang amoy ng perfume niya.


Kinuha ko 'yon at inamoy. Napangiti ako.


Oo na. Inaamin ko na. Crush ko siya. Pero crush lang ha! Promise! Crush lang!


Agad na umalma ang puso ko sa sinabi kong crush.


Natawa ako ng mahina at ibinalik ang panyo ko sa drawer. Kumuha ako ng ibang panyo at nilagay 'yon sa pouch ko. Pagkatapos ay nagbihis na 'ko. Naglagay ako ng make up sa mukha ko at red matte lipstick.


I smiled and winked at the mirror.


Gorgeous!


6:48 nang matapos akong mag-ayos ng sarili ko. Bumaba na 'ko at nakasalubong ko pa si Mommy! Medyo masama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa huling pagtatalo namin pero nag-uusap na naman kami ngayon.


Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now