TWENTY SIX

2 2 0
                                    

CELLINE



Ilang linggo ang lumipas at pasukan na naman namin ngayon. Last year na namin 'to kaya talagang excited ako.




Gusto ko nang gumraduate!




Binuksan ko ang phone ko at tiningnan kung nag-text ba si Zach sa'kin. Ang sabi niya kasi ay ngayon ibibigay sa kaniya ang contract para ma-review nila ng manager niya, bago ang actual signing ng kontrata.




“Hoy, babae! Tulala ka na naman d'yan?” Nakataas ang kanang kilay ni Jam nang tanungin ako. Nakaupo na kami at naghihintay na lang ng prof. Duda naman ako na may darating na prof ngayon dahil first day nga. Kadalasan kasi mga second or third day pa nagpapakita sa'min ang mga prof.




“Wala. Tiningnan ko lang kung may message ba si Zach sa'kin. Ngayon kasi ibibigay sa kaniya ang contract para ma-review nila.” Napatango si Jam sa sagot ko.




“Kinakabahan ka 'no?” Tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.




“Hindi naman. Kaunti lang.” Pagsisinungaling ko. Halata namang hindi naniniwala si Jam sa sinagot ko dahil umirap siya sa'kin.




“Ang tagal naman. Sana gwapo 'yung prof para worth it naman ang paghihintay natin.” Napatingin ako kay Jam nang sabihin niya 'yon. Napangiti ako at umiling din kapagkuwan. Ayoko na lang talaga magsalita dahil baka mabigwasan ako bigla ni Jam!




Napatingin kaming dalawa sa pintuan nang pumasok si Megan kasama ang dalawang kaibigan niya. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan, may hawak pang milk tea sa kaliwang kamay.




Nagulat pa 'ko nang umupo sila bago ang row namin. Rinig na rinig tuloy namin ang usapan nila! Siguro hindi kami napansin ni Megan. Dumako ang tingin ko kay Jam at busy na siya kaka-scroll sa phone niya. Parang walang pake sa naririnig namin.




“So... You guys tried to make out na?” Rinig kong tanong ni Kylie, isa sa kaibigan ni Megan. Mahina lang ang boses niya pero narinig ko pa rin, at sigurado akong narinig din 'yon ng bakla kong bff!




Mahinang tumawa si Megan bago sumipsip sa milk tea niya.




“Uh... Yes. Pero wag kayong maingay ha?” Napakahinhin ng boses niya at halatang kinikilig pa!




“Omg! I knew it! Kaya pala you look blooming.” Sabi naman ni Trixie. Napataas ang kilay ko nang umismid si Jam.




“Cr lang ako, baks.” Di pa 'ko nakakatango ay tumayo agad siya at dire-diretsong lumabas! Nanlaki ang mga mata ko.




Jusko. Totoo ba 'to? Tama ba ang hinala ko?




Hindi na natuloy ang pag-iisip ko dahil naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa ibabaw ng table.




From: Talipandas

Omw to the building. How's your first day?




Agad akong nagtipa ng reply para sa kaniya.



To: Talipandas

take care, hinihintay pa namin 'yung prof.





Ilang segundo lang ang hinintay ko dahil nag-reply agad siya.




From: Talipandas

I'll fetch you later. I love you.





Napangiti naman ako. Buti na lang hindi ako nagdala ng kotse dahil tinamad ako kanina, sumabay lang ako kay Jam. Speaking of, nasaan na kaya 'yon? Bakit ang tagal niya naman yata?
















Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now