THIRTY EIGHT

5 2 0
                                    

CELLINE



Mabilis na lumipas ang mga buwan. At ngayon, tatlong buwan na lang makakasama ko na ang anak ko. Sobrang excited na 'kong makita siya. Sabik na sabik na 'kong makita at mahawakan siya, marinig ang iyak niya, mahalikan at mayakap siya.



“Is this okay?” Tanong ni Nate. Umiling ako.



“Usog mo pa ng kaunti rito sa bandang kaliwa.” Utos ko. Tumango naman siya at agad na inusog ang maliit na cabinet.



“Yan, okay na.” Nag-thumbs up ako. Nag-aayos kasi ako ng nursery room at nag-presinta si Nate na tumulong, hindi na 'ko umangal dahil alam kong kailangan ko ng tulong.



“Ang ganda na...” Namamangha kong sabi habang pinapaikot ang tingin ko sa buong kwarto. It is a combination of white and pastel lilac. Karamihan sa mga gamit niya ay kulay puti, excited kasi ako non na kahit hindi ko pa alam ang gender niya, kung ano-ano nang gamit ang binibili ko.



“I'm sure she will like this.” Sabi ni Nate habang tinitingnan din ang buong kwarto. Tumango ako at hinaplos ang tiyan kong medyo malaki na.



“I hope you'll like this room, baby.” Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagsipa niya matapos kong sabihin 'yon.



“Why?” Lumapit sa'kin si Nate. Tumawa ako at umiling.



“She kicked! I think she likes her room.”  Napatango si Nate at ngumiti.




On my sixth month, nalaman ko na rin ang gender niya. It's a girl! Sobrang saya ko na malamang babae ang anak ko, meron akong mabibihisan at maaayusan.




“How about your parents? Hindi pa ba sila nagdududa?” Tanong ni Nate. Umiling ako at umupo sa white couch.



“Hindi. Ang alam nila nasa Italy ako ngayon.” Sagot ko. Lagi kong sinasabi kila Daddy na nasa ibang bansa ako para hindi na sila magpunta rito. Nakokonsensya ako dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila pero ito ang makakabuti para sa anak ko. Lalo na't malapit na siyang lumabas.



“You're not really planning to tell them about this?” Bumuntong hininga ako.



“Hindi ko pa alam, Nate. Hindi pa 'ko handa. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang makakabuti para sa anak ko.” Tumango-tango siya.



“I understand. But if you need help, I'm always available.” Ngumiti ako.



“Ang laki na ng naitulong mo sa'ming dalawa, Nate. Hindi ko na alam kung paano ako makakapagpasalamat sa'yo.” Simula umpisa ng pagbubuntis ko ay lagi siyang nakaalalay, madalas pa nga kaming mapagkamalan na mag-asawa at Ama ng anak ko dahil kahit sa pagbili ng mga gamit ni baby, sumasama siya.



“Just be happy. I want you happy, Celline. Sapat na 'yon sa'kin.” Tumango ako at ngumiti.



“I'm happy, but still, thank you for helping me. You're such a good friend.” Ngumiti lang siya at tumango.



“Wait, I forgot to ask. May naisip ka na bang pangalan niya?” Napangiti ako ulit at tumango.



“I've been thinking about this name... At tingin ko bagay talaga sa kaniya.”



“Ano 'yon?”



“Zianna... Zianna Colleen.” Tumango si Nate.

“What a beautiful name... It suits her, huh?” Sumang-ayon ako. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.



Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)Where stories live. Discover now