CELLINE
Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko makita si Mommy sa sala. Ayoko nang makipagtalo sa kaniya. Agad akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko.
Napahawak ako sa uluhan ko at ngayon ko lang napansin na nasa akin pa pala 'yung varsity jacket ni Zach! Tapos 'yung panyo ko nasa kaniya rin. Tinanggal ko 'yon sa ulo ko. Sinabit ko muna ang bag ko bago umupo sa kama. Hawak ko pa rin 'yung jacket.
Lalabhan ko muna 'to bago ko ibalik sa kaniya. Parehas lang naman kami ng school na pinapasukan at madali ko lang siyang makikita. Inilapit ko 'yung jacket sa ilong ko at inamoy 'yon. Ang bango! Amoy gwapo!
Pero napakunot ang noo ko nang mapansing parang pamilyar sa'kin 'yung amoy nung jacket niya. Parang... Parang naamoy ko na rin 'yon dati? Saan ko ba naamoy 'yon? Inamoy ko ulit 'yung jacket at sinubukang alalahanin kung saan ko naamoy 'yon pero hindi ko talaga maalala!
Nagkibit-balikat na lang ako at humiga. Niyakap ko ang jacket ni Zach at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng mahimbing habang yakap ang jacket ni Zach.
Nagising lang ako dahil sa marahang pagtapik sa balikat ko. Kumunot ang noo ko at itinakip ang jacket sa mukha ko.
Napangiti ako habang napapikit. Ang bango!
“Celline anak, wake up. Dinner time na.” Narinig ko ang ang mahinang boses ni Daddy. I felt his hand softly caressing my hair. Mas lalo akong dinadala sa antok!
“Anak...” Tawag niya ulit.
“Mamaya na po, Daddy...” I answered in a sleepy voice.
“Celline, kailangan mo nang kumain at baka malipasan ka ng gutom.” Sabi ni Dad at sapilitang tinanggal ang jacket sa mukha ko. Inis akong bumangon dahil sa ginawa niya. Magkasalubong ang kilay ko at isinandal ko ang ulo ko sa head rest. Papikit-pikit pa ang mata ko.
“Let's eat.” Sabi na naman ni Daddy. Inis kong kinamot ang buhok ko.
“Inaantok pa nga po ako, Daddy. Tsaka hindi pa 'ko gutom.” Sabi ko at inagaw sa kaniya ang jacket ni Zach. Niyakap ko 'yon. Sandaling napatitig si Daddy sa jacket na hawak ko at kumunot pa ng bahagya ang noo niya. Bumalik rin naman ang tingin niya sa'kin at bumuntong hininga.
“Nalaman ko kanina sa kasambahay natin na nag-away daw kayo ng Mommy mo. Tinanong ko ang Mommy mo tungkol do'n at kinuwento niya kung bakit kayo nagkasagutan kanina. Totoo bang binastos mo ang prof niyo?” I pressed my lips together and looked away. Naiiyak na naman ako! Kasi bakit si Daddy tinatanong niya 'ko ng maayos? Bakit si Daddy inaalam ang side ko? Bakit hindi ganoon si Mommy? Bakit nagagalit siya agad kahit hindi niya naman alam ang buong nangyari?
“Celline.” Tinawag ako ni Daddy. Seryoso na ang boses niya. Binasa ko ang mga labi ko at tumingin sa mga daliri ko habang pinaglalaruan 'yon.
“Hindi ko naman po sinasadya na mapahikab sa klase ni Prof Sanchez. Nakita niya 'yon tapos nagalit siya. Tapos tinanong niya po ako, edi sinagot ko siya! Tsaka nag-sorry po ako.” Kwento ko at ngumuso. Inangat ni Daddy ang baba ko para mapatingin sa kaniya.
“Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo. Stress lang 'yon sa boutique niya at baka sa'yo naibunton.” Sabi ni Daddy. Napangiwi naman ako. Bakit sa'kin pa?
“Halika na. Kumain na tayo.” Pag-aaya ulit sa'kin ni Daddy.
“Hindi mo 'ko papagalitan?” Tanong ko sa kaniya. Natawa si Daddy ng mahina at umiling.
YOU ARE READING
Love and Crosses (DELREAL SERIES #1)
RomanceDELREAL SERIES #1: Love and Crosses Celline wants nothing but to live a happy and peaceful life. Despite of her mother being a former actress, she still chose to hid herself from the spotlight. She doesn't want anyone watching how her life goes. Tha...