Stella
×
"Alam ko na ang sikreto mo, Stella. Kriminal kang hayup ka."
Napahinto ako at literal na nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon, matalas ang tingin niya sa 'kin habang tinutungga ang bote ng alak.
Anong sabi niya?
Tumayo ito at kahit na lasing, diretso pa rin siyang naglakad patungo sa 'kin. Hindi pa man siya nakakaabot ay amoy na amoy ko na ang alak sa bibig niya.
Dinuro niya 'ko habang hawak ang bote sa kamay, "Pinatay mo si Juanito, ‘di ba? Tangina ang galing mo ro’n, Stella! Hahahaha!"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Nakita ka ni Pareng Dionisio na palabas ng bahay nila Juanito kanina. Hahaha! Duguan ka pa nga raw? Tapos no’ng pinasok nila ang bahay, patay na ‘yung mag-asawa. Putangina, anong trabaho mo? Diyan ka ba kumukuha ng pera?"
Hindi ako sumagot at nanatili lang na masama ang tingin sa kan'ya. Napapamura ako ng malutong sa isip ko. I can't believe I was caught. Fuck...
"Ahh! Kaya pala ayaw mong sabihin kung anong trabaho mo ah? E, sindikato ka naman pala! Walang hiyang buhay ‘to! Kababaeng tao gan‘yan ang ginagawa? Naghostes ka na lang sana! Hahahahaha!"
Huminga ako ng malalim. Gabing-gabi na at ang lakas ng boses niya. Kapag may nakarinig pa nito sa labas, mas lalo akong mapapahamak.
"Gusto mo patayin din kita?"
Natigil siya sa paghalakhak. Hindi ako nagbibiro no'ng sinabi ko 'yun.
"Anong sabi mo?" bigla ako nitong hinablot sa damit, "Ulitin mo nga, hindi kita masyadong narinig, e."
"Hindi mo ‘ko matatakot, Papa."
"Putangina ka pala, e!"
Marahas niya 'kong tinulak sa pader at bago pa 'ko makatingin sa kan'ya ay malakas niyang hinampas sa 'kin ang bote ng alak. Parang kinuryente ang ulo ko sa sakit no'n, bigla akong nahilo at naramdaman ko pang humapdi ang bandang noo ko.
Hinatak niya ang buhok ko pataas, "Wala kang karapatan sagot-sagutin ako ah? Anak lang kita, Stella. Hindi por que napapakinabangan mo ‘yang pagka-demonyo mo, ibig sabihin may silbi ka na! Tanginang ‘to! Parehas kayo ng nanay mo mga inutil!" sigaw niya.
"B-Bitaw," pikit mata kong saad. Tumulo ang dugo mula sa sintido ko.
"Inamo! Kumpare ko si Juanito. Igaganti ko siya sa ginawa mo!"
"Bitawan mo ‘ko! Wala akong pakialam kung magkumpare kayo! Wala! Hindi rin kami parehas ni Mama dahil alam mo kung kanino ako nagmana? Sa ‘yo! Parehas tayong demonyo, ‘di ba?!" sigaw ko sa abot ng makakaya ko.
Hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko sa galit. 'Yung galit na ang tagal kong kinimkim sa kan'ya, sa isang iglap, biglang sumabog. Kaya wala na 'kong pakialam kung may makarinig sa 'min na kapitbahay o tanod o ano. Ang nasa isip ko lang, mawala siya sa landas namin.
Lalo niyang hinigpitan ang kapit sa buhok ko at bigla niya akong sinampal ng pagkalakas-lakas, paulit-ulit.
"Kapal ng mukha mong sumagot hayup ka! ‘Yan! Manawa ka sa sampal kong kriminal kang babae ka! Tangina mo dapat sa ‘yo nililibing ng buhay, e! Gusto mo ilibing kita?! Ha?! Gusto mo?!"
"P-Papa... Ate..."
Doon na nagising ang dalawa kong kapatid. Nakatayo si George sa gilid namin habang yakap-yakap si Hance na halatang natatakot sa mga nakikita.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...