• Three •

45 7 0
                                    

Stella

×

Humahangos ako habang patuloy na tumatakbo ng mabilis makalayo lang sa lugar na 'yun. Halos madapa-dapa na rin ako 'wag lang huminto at magpahinga ng saglit. Kahit sariwa pa ang mga sugat ko dala nang nangyari kagabi, hindi ko na ininda pa, makatakas lang.

For the second time, I left my brothers again.

But thanks to the commotion, I managed to escape from that police bastard man.

"Kuya, makinig kayo! ‘Yung tatay ko, binubugbog ‘yung dalawa kong kapatid. May cancer pa ‘yung isa! Dapat n‘yo rin damputin ‘yung hayup kong tatay, ‘di ba?! Hindi lang ako! Ano ba? Makinig kayo sa ‘kin! Nagsasabi ako ng totoo---"

Marahas akong hinatak nito sa braso dahilan para maramdaman ko 'yung balikat kong may sugat pa. Fuck!

"Manahimik ka. May tamang oras para hulihin din namin ‘yung tatay mo. Sa ngayon, ikaw ang may pinaka malaking kaso."

"A-Ano?! Tanga ba kayo?! Anong malaking kaso sinasabi mo?! Drug dealer ‘yung pinatay ko!"

"O ‘di pinatay mo nga. Ibig sabihin, kumitil ka ng buhay. Mas malala ‘yun kung iisipin mong mabuti, Miss."

"Nakupo! Sigurado pagpi-piyestahan ‘tong binibini na ‘to mamaya," usal ng kasama niya na tumatawa-tawa pa.

"Kaya maging mabait ka, Miss. Kung gusto mong makasama ‘yung mga kapatid mo."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pwersahang binawi ang braso kong hawak niya. Napahinto sila sa paglalakad at tinignan ako. Isa-isa ko silang pinukol ng masamang tingin, 'yung tipong mamamatay sila.

"That’s right... all cops are bastard. You are all... bastards. Kaya kung ako sa inyo, ingatan n‘yong ‘wag ako makatakas ng bilangguan kung hindi... papatayin ko kayong lahat," mariin kong salita sa tapat ng mukha nila, "Lahat... kayo."

But because they’re bastards, they take it as laughable joke.

"Dami mong satsat. Halika na nga!" natatawang litanya ng kaninang may hawak sa 'kin.

Nasa isip ko ang manlaban pero mas naiisip ko ang dalawa kong kapatid. Hindi imposible na kapag nanlaban ako, bigla na lang akong humilata rito. At hindi ako pwedeng maunang mamatay kaysa kay Andrew Sevilla.

Bago pa 'ko muling hablutin nito ay bigla na lang nagkaroon ng gulo hindi kalayuan sa pwesto namin. Malakas at niyanig kami ng pagsabog na 'yun dahilan para mataranta ang lahat.

Kinuha ko ang oportunidad na 'yun para makatakbo kahit naka-posas pa ang dalawa kong kamay sa likod. Bahala na, makaalis lang.

Narinig kong may sumigaw na nakatakas daw ako pero tangina ba nila? Hindi na 'ko magpapahuli. Never again... and I swear the next time we meet again, I’ll kill them all.

Napahinto lang ako sa pagtakbo nang sumadsad ako padapa sa lupa. Kaagad kong naramdaman ang gasgas sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang mapamura sa isip.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now