Stella
×
Bumalik kami sa dating samahan namin ni Seven. Parang walang nangyari sa pagitan namin, nakakapag-asaran ulit kami, nakakapag-usap ng matagal, nagtatawanan. Todo alaga rin siya sa paggagamot ng mga sugat ko, talagang tinupad niya na ang sinabi niya.
Sa loob ng tatlong araw na magkasama kami maghapon sa loob ng apartment, kung hindi kami nagtatawanan, nagta-trabaho naman siya.
Si Seven 'yung tipo na kapag oras na para magtrabaho, talagang hindi mo siya pwedeng istorbohin.
At sa t'wing abala siya sa trabaho, hindi ko mapigilang mapatitig sa kan'ya.
Tinanggal niya ang salamin at lumingon sa 'kin, automatic tuloy napaiwas ako ng tingin. Sa tagal niyang nakatutok sa laptop niya, hindi ko inasahan na bigla siyang lilingon sa 'kin!
"Stella, let's go out today."
Bumalik ako paningin ko sa kan'ya, "Saan naman tayo pupunta?"
"Somewhere relaxing. But at the same time, the place where I can still work."
"Bakit pa natin kailangan umalis kung maganda naman ang view dito. Gano'n din naman pala, magta-trabaho ka."
Natawa siya, "Because atleast once or twice, we should change our location. Baka naghanda si Ezekiel at biglang bumalik dito--- worst, baka matunton ako ng agency ko. Though I'm sure they could not trace this apartment that easily, but it's better to be sure. G?"
Huminga ako ng malalim at napangisi, "Ayaw mo bang makita ulit si Haru?"
Parang mali yata na tinanong ko 'yun dahil nawala ang ngiti niya sa labi.
"Ezekiel should be kept as a secret for now. I'm trying to locate his place while working. So it's me who should get in his place to talk to him again and get him, not him going here."
Tumango at ngumiti na lang ako sa kan'ya. Naiintindihan ko naman ang punto niya. Lumapit ako sa tabi niya at yumoko, hinawak ko ang dalawang kamay ko sa tuhod. Lalo akong napangiti nang mapagtantong ang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa.
"Then, saan mo 'ko dadalhin?" mahinang tanong ko.
Nakipaglaban siya ng titig sa 'kin, "S-Somewhere..." hanggang sa siya na ang umiwas, "It's a surprise. You'll know it when we get there."
Excited akong tumuwid ng tayo, "Carnival? Beach? Resort? Museum?" panghuhula ko.
"Trust God Seven, everything will be alright," kumindat siya sa 'kin saka nagsimulang mag-ayos ng gamit.
Napahawak ako sa dibdib kong malakas ang kabog. Ikaw ba naman kindatan ng mahal mo, e!
Hindi pa naman gano'n kagaling ang katawan ko pero kumpara no'ng una, mas kaya ko nang gumalaw ngayon. Salamat sa pag-aalaga ni Seven at sa mga pinadalang gamot ulit sa 'kin ni Konan. Speaking of her, gusto niya sana akong dalawin dito pero hinabilin ni Seven na wala munang pwedeng bumisita sa 'kin.
Hindi ko rin alam kung anong alibi ang sinabi niya sa kanila kung bakit ako nabaril. Kasi kung sinabi niyang kriminal ako, nai-imagine ko na ang reaksyon nila sa 'kin.
Takot.
Sa kabilang banda, alam kong hindi rin sinabi ni Gavin ang nalalaman niya. Pero hanggang ngayon, iniiwasan pa rin niya 'kong kausapin kahit na tinatawagan ko siya.
Hindi ko na pala siya pwedeng galawin, alam naman pala niyang tumahimik, e.
Fuck. What am I saying? I won't kill that boy!
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...