Stella
×
Hindi rin nagtagal ay nauna na rin si Kaloy na umalis dahil narinig kong hinahanap na siya nila Red. Akala ko nga ay susunod na rin si Gavin pero nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay ni Seven kahit na kaya ko naman.
Hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa mga sinabi ko't narinig niya, bagkus ay ang mga kinu-kwento lang niya ay tungkol sa video games at boring na school niya.
Nagpatuloy 'yun hanggang sa maihatid na nga niya ako sa tapat ng underground house ni Seven.
Huminto ako sa paglalakad, “Umuwi ka na, Gavin. Salamat sa paghatid.”
“You’re welcome. Take care of Seven, okay?”
“Oo naman.”
Tumalikod na ako pero muli siyang nagsalita.
“By the way, is it true?” pahabol niya.
Napatingin ako sa seryoso niya na ngayong mukha. Naisip ko ro'n agad ang tungkol sa narinig niya kanina--- tungkol kay Silvanna, Light at Haru.
Sa pagkakaalala ko, pinsan niya 'yung Silvanna.
“Pinagsasabi mo?”
“Is it true that... Light sabotaged you and you guys ended up being on their hand? He fooled you, right?”
Hindi ako nakasagot agad. I was about to correct him that it's Light and his fianceé but Gavin continued.
“I don’t really understand him. He kidnapped you guys, but then he still helped you escape. What is this ‘cleansing?’ What does he mean by that? And all along he was with Ezekiel? He’s brainwashing him to do these stuff?”
So... hindi niya ba narinig ang tungkol kay Silvanna? I mentioned it 'di ba?
Huminga ako ng malalim matapos makapag-isip. Tama na rin siguro na hindi niya alam or hindi niya narinig or hindi ko na banggitin ulit. Siguro, mas mainam na si Seven na ang magsabi no'n.
“Light didn’t helped us. Kung nakinig kang mabuti, na-corner ko siya at do’n pinagtangkaan ang buhay. Wala siyang choice kundi ibigay ang phone sa akin. At oo, Haru is being brainwashed. But even if that’s the case, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa n‘ya kay Seven,” sagot ko.
“Tsk. That Light...” napayuko siya at nagtimpi sa galit. Matagal naman na siyang asar do'n kaya naiintindihan ko.
Hinawakan ko siya sa balikat dahilan para umangat ang tingin niya sa 'kin.
“Gaya ng sabi ko sa ‘yo, walang pwedeng makaalam nito. Hindi ako ang tamang tao para magsalita sa mga nangyari. Hintayin n‘yong magising si Seven.”
Matagal bago siya tumango sa sinabi ko.
“Yes... I promise I’ll keep my mouth shut.”
“Good boy,” ngisi ko saka siya marahang tinulak, “Sige na, umuwi ka na.”
Sa itsura ni Gavin, halatang ayaw pa niya umalis dahil sa inis at kuryosidad na nararamdaman. Pero hindi ko naman siya pwedeng papasukin nang walang pahintulot ni Seven. Sa huli, nakumbinsi ko rin si Gavin na tuluyan nang umalis.
Pagkatapos ko sagutin ang mga tanong ng security door ni Seven, bumungad sa mata ko si Ash na abala sa harapan ng computer.
Pagilid niya 'kong tinignan gamit ang mapanghusga niyang mata.
“What took you so long?”
“Hindi nama---”
“Because of your stupidity, Seven has to take his medicine late. Don’t tell me you just walk going to a pharmacy? Retard.”
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...