Stella
×
After Haru walked out, he left us locked in.
Seven didn't waste anytime and started to hack the password. Nagsisimula na rin akong kabahan ng husto dahil paano kung bumalik agad si Haru kasama na 'yung 'savior' na tinutukoy niya? I'm used to this kind of situation, but the thing is how could I protect Seven without killing? Paano kung puruhan nila si Seven? Wala akong dalang kahit anong panglaban!
Knowing myself, if it's not Haru, I know I could kill someone who shows on our way.
Napatingin ako sa bakal na pintuang 'yun nang tumunog ito.
"Finally, it's unlocked," Seven said.
Kaagad kong binuksan 'yun para makapag-madali na kami palabas pero sa pagbukas ko, may bumungad sa 'king dalawang lalaki.
Nakasuot sila ng itim na mahabang cloak, may print 'yun na pulang linings, nakasuot sa ulo ang hood at bahagyang gulat ang ekspresyon nang makitang may tao sa loob.
Damn...
"P-Paano kayo nakapasok sa loob?!"
"Sila yata 'yung sinasabing trespasser ni Sir Kiel. Hindi natin 'to pwedeng mapalampas."
Hindi ako nakasagot dahil nag-iisip ako kung paano kami makakalagpas. Nilingon ko si Seven na nasa gitna ng pag-aayos ng gamit niya, nakatingin siya sa 'min at tila hindi alam kung itutuloy ba ang ginagawa.
Naputol ang pagtitinginan namin nang maramdaman kong gumalaw ang isa sa mga lalaki para sugurin ako. Naging mabilis ang reflexes ko at nakaiwas, sa kamay niya ay mayro'n siyang taser gun.
Tangina. Kung nahawakan niya 'ko siguradong yari kami ni Seven!
"Ipinagbabawal pumasok dito ang mga hindi miyembro ng Flame Eyes, maliban na lang kung pinahintulutan ng savior ito o ni Sir Kiel. Kaya naman malaking kasalanan 'tong ginawa n'yo! H'wag na kayong magmatigas, kailangan kayong managot."
Saad ng isang lalaki sa likod.
Nagkiskis ang ngipin ko sa inis, "Umalis kayo sa daanan kung gusto n'yo pang abutan ng bukas," banta ko.
“Stella.”
Napatingin ako kay Seven na hindi pa rin alam ang gagawin. Hindi niya alam kung tutulungan niya ba 'ko o uunahin ang pagliligpit.
Tumango ako, “Ako nang bahala rito.”
“Pero baka---”
“Don’t mind me! Please do pack your things and we’ll leave immediately!”
Tumitig pa siya ng ilang segundo bago gumalaw. Samantala nagpokus ang atensyon ko sa dalawang lalaki. Kapag isa sa kanila ang lumapit kay Seven, malalagot talaga sa 'kin.
Muli akong sinugod ng lalaki na may hawak na taser gun. Umaatras lang ako't umiiwas, sa isip ko ay napapamura na ako.
“Nakikiusap ako. Sumama na kayo sa ‘min para hindi ka na rin mahirapan,” bulalas na naman niya.
“Mas mahihirapan kayo kung hindi n‘yo kami titigilan,” saad ko.
Bigla kong hinuli ang kamay ng lalaki at pinaikot siya. Narinig kong tumunog ang buto niya sa braso.
“Ahh!”
Mabilis kong nakuha ang hawak na taser gun at dinikit sa leeg niya. Nanlaki ang mata niya at nagulat sa ginawa ko.
“Subukan mong pumalag at mangingisay ka talaga rito,” banta ko sa kan'ya.
Nakatitig lang sa 'kin ng masama ang isang lalaki. Wala siyang magawa. Pero sa isang iglap, biglang dumami ang mga kasama niya sa likod.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...