• Twenty Eight •

37 1 0
                                    

Gavin

×

“Nag-iwan ako ng maraming pagkain sa ref. Lahat ng kailangan mong gamit sa banyo, nilagay ko na. Shampoo, sabon, tissue, toothpaste. Mayro’n na ring mga sabon panlaba at panghugas sa cabinet. Sinugurado ko na lahat ng gamit mo malinis kaya sana i-maintain mo ‘yan.”

Binaba ko ang mga bitbit na bag ni Mama. Hindi rin nagtagal ay dumating na 'yung taxi na susundo sa kan'ya.

Finally, she’s leaving.

She turned to me and raised her eyebrows, “Ano? Natatandaan mo pa ba mga bilin ko sa ‘yo, Gavin?”

I sighed, “Of course. Yeah I will study hard.”

“Bukod diyan.”

“I’ll clean the bathroom. I’ll wash the toilet bowl.”

Nagtaka siya at bahagyang hinatak ang bangs ko. Oo nga pala, hindi ko suot 'yung clip ko.

“Mama!” daing ko.

“Nilinis ko na ‘yung banyo mo. Anong pinagsasabi mo diyan? Sabi ko nag-iwan ako ng mga stock at pagkain mo. Nakikinig ka ba?”

Gumilid na lang ang tingin ko at napakamot sa ulo. Sa totoo lang, medyo lutang ako ngayon. A lot of things happened in the past few days and I feel like I cannot move on. It’s depressing.

Hinalikan ako ni Mama sa noo, “Sige na mauuna na ako. Tatawagan kita mamaya pag-uwi ko at ipapaalala ko ulit sa ‘yo. Pansin kong puyat ka na naman, e. ‘Wag ka na nga magpuyat.”

“Yes. I’m sorry.”

“Puro video games kasi inaatupag mo. Saka mag-iingat ka na ah? Ayokong tawagan na naman ako ni Sir Claudius at sabihing naaksidente ka na naman. Jusko. ‘Wag mo nga idadamay ang sarili mo sa rambulan, hindi ako natutuwa,” papasok na nga lang sa taxi, may pahabol pang sermon si Mama.

Grabe. Almost everyday she's always lecturing me-- nonstop! Even with little things.

I nodded, “Hindi na. I’ve learned my lesson.”

“Mabuti kung gano’n. O siya sige, una na ‘ko. Diretso uwi ka na ah! Magpalit ka ng damit mo pagkauwi at mainit.”

Nang makaalis ang taxi na sinasakyan ni Mama, doon lang ako napabuga sa hangin at sumandal sa poste na nasa likod ko. Ang hirap makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Dati, puro laro lang ang pinagpupuyatan ko. Ngayon, hindi na ‘ko masyadong nakakapaglaro dahil sa mga nangyari.

I just hope that one day, it'll all get better.

Please get better...

Tinignan ko ang phone ko at nakitang wala pa ring bagong messages. Sa groupchat, tanging si Betina at Konan lang ang nag-uusap. Panay sila hingi ng update tungkol kay Seven.

Honestly, I'm starting to feel annoyed. Bakit parang wala siyang pakialam pagkatapos ng nangyari? Naaalala ko lang si Silvanna sa ganitong sitwasyon. No’ng nawala si Silvanna, parang wala lang iyon kay Light. And now Seven's doing the same thing. Him and Light are so irresponsible. That's a fact.

Tinago ko na ulit 'yon sa bulsa ko at naglakad. Well I guess I'll have to go to the hospital now.

“Sandali!”

Natigil ako sa paglalakad nang may sumigaw sa akin. Paglingon ko, humahangos na lumapit sa akin ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya pero 'di ko matandaan kung saan ko siya nakita.

“Tropa ka ni... Stella, ‘di ba?” hinihingal niyang tanong sa 'kin.

Tinuro ko ang sarili ko, “Me? How did you know?”

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now