Stella
×
Kagaya nang napag-usapan namin ni Seven, bumili lang kami ng mga pagkain at umalis na kami para sa isang roadtrip. Namamangha nga 'ko dahil 'yung gamit niyang sasakyan ngayon ay napaka ganda. Wala itong bubong at dalawang tao lang talaga ang pwedeng sumakay.
Uhm. Sportscar I guess?
Hindi ko alam kung nasaang lugar na kami. Basta ang nakikita ko lang ay maluwag at diretsong kalsada, sa magkabilang gilid ay mga halaman at puno. Madilim man, nagbibigay liwanag naman ang buwan at ang mga bituin.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere at napapikit habang hinahangin ang buhok ko. Nakakarelax...
Narinig kong natawa ang nagmamanehong si Seven, "Bawi na ba ‘ko?"
Ngumisi ako at tinapunan siya ng tingin.
"Pwede na pero ayoko pa rin sa kanila."
Tumayo ako at kumapit sa harapan. Sabi nila, kapag daw sinisigaw mo ang nararamdaman mo, nakakatulong daw para mawala.
"H-Hey, Stella!"
"I HATE YOU ALL! KUNG AYAW N‘YO SA ‘KIN, AYOKO RIN SA INYO! AYAW KO KAYONG KASAMA! KUNG MARAMING GALIT SA ‘KIN, E ‘DI MABULOK KAYO DIYAN WALA AKONG PAKIALAM! HINDI KO KAYO... H-HINDI KO KAYO KAILANGAN! KAYA KO MAG-ISA ‘NO! TANGINA N‘YONG LAHAT, E! LAHAT NG TAO NA MAY AYAW SA ‘KIN, GALIT SA ‘KIN AT TINALIKURAN AKO, MAMATAY NA KAYONG LAHAT! AYOKO RIN SA--- AYOKO RIN SA INYO!"
Little did I know, screaming your resentment to all the people who hurt you will be this painful. As in, lahat ng hinanakit ko sa pamilya ko, mga dating kasama ko sa Whyos, kay Kaloy at kina Betina... nailabas ko ng wala sa oras.
I never did this before. Kapag galit ako, pumapatol ako kaagad. Pero 'yun pala, marami pa palang nasa loob ko.
"AYOKO SA INYONG LAHAT! MAGSAMA-SAMA KAYO SA IMPYERNO! MAGKIKITA RIN NAMAN TAYONG LAHAT DO’N, E! BASTA SA NGAYON, ISA LANG ANG MASASABI KO... PUTANGINA N‘YO! LAHAT NG TAONG NANAKIT SA ‘KIN AT SA MGA KAPATID KO--- PUTANGINA N‘YO!"
Pabagsak akong naupo sa upuan ko't tinakip ang dalawang kamay sa aking luhaang mukha. Hindi ko na rin mapigilang mapahagulgol. Dahil lang sa nangyari kanina sa restaurant, ang dami ko nang naalalang masasakit sa buhay ko at ng dalawa kong kapatid.
Naramdaman kong huminto sa pagmamaneho si Seven. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang pilit tinatanggal ang kamay ko sa aking mukha.
"Stella..."
"Nakakapagod kasi... kahit... kahit saan ako magpunta, palagi na lang ganito. Palaging may problema," iyak ko, "Naiintindihan ko namang kasalanan ko rin, pero kasi... wala na ‘kong maintindihan sa buhay ko."
Hindi siya kaagad nakapagsalita at bumuntong hininga lang.
Doon ko na tinanggal ang kamay sa mukha ko at binulyawan siya, "Gets mo ba? Tapos ikaw, ano, iiwan mo rin ako? Magagalit ka rin sa ‘kin? Paaalisin mo na ba ako kapag sinabihan ka ni Betina?"
Para siyang nagulat do'n, "What?"
Hindi ako sumagot dahil may napagtanto ako. Kaaway ko si Seven. Kaaway namin siya ni Haru. And the last person I speak to not leave me, eventually... left and betrayed me.
"Why would Betina asked me to---"
Umiling ako't pinunasan ang mukha, "Kalimutan mo na ‘yung sinabi ko. Sorry. I got worked out there, I didn’t control myself."
"No," mabilis na sagot niya, "I have decided to stay with you, Stella."
"Ano?"
Seryoso ang kan'yang mukha. Napalunok ako. Nakikita ko talaga sa kan'ya si Haru. Siguro ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko na umalis ulit si Seven ng matagal.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...