• Fifteen •

49 5 0
                                    

Stella

×

Sumapit ang linggo kung saan nakatakda ang dinner celebration nina Konan at Claudius...

Everyone was so lively. They looked happy for the upcoming wedding of their two friends. Even if we're kind of starting the night, they already made a lot of great story to tell.

Wala akong balak umattend dito sa totoo lang. I was about to inform Konan that I cannot come pero... nagulat na lang ako nang maaga palang, pinasundo na agad niya 'ko kay Frederick. Gusto ko ngang tumanggi, e. Pero naisip ko 'yung binigay na misyon sa 'kin ni Haru. Kung 'di ako makikisama sa kanila, paano ko makukuha ang tiwala ng karamihan sa kanila? Exclude Betina the pakilamera, I don't care about her.

I sighed. Can I escape?

"Aside from the upcoming wedding, congrats because we’re finally getting a party. I hope this is it," nakangiting saad ni Zen kay Konan.

"Yeah. I told you before, right? You can do it. And now you’re doing it," dagdag ng girlfriend niya.

"We’re so grateful to you," si Gavin.

Mukhang nahiya si Konan sa mga pinagsasabi sa kan'yang papuri ng mga kasama kaya mahinhin na lamang itong napahagikgik. Nasa tapat ng bibig niya ang nakakuyom na kamay.

"A-Ano ba kayo. Hindi pa nga natin alam ang date ng party saka... hindi pa kumpleto ang guests."

"Oh, but can I ask? What happen to the meeting with Dr. Luke Encinas?" tanong ni Hailey.

Nagkatinginan kami ni Konan. Gano'n pa man, humalukipkip lang ako at hindi nagsalita. Nabi-bwiset pa rin ako kapag naaalala ko ang istupidong lalaki na 'yon.

"I guess I know what happened," si Hailey na ang sumagot sa tanong niya.

"B-But don’t worry! We have another potential guest from Zen’s acquaintance! Promise, Stella and I are going to make it this time."

Natawa si Zen, "I know right? Don’t worry, ladies. Mr. Lee is a nice director."

"Don’t push yourself too much, Konan," kalmadong saad naman ni Claudius sa kan'ya.

"I have a suggestion," tinaas ni Betina ang isa niyang daliri, "Since you’re going to have a second guest, why don’t you let Stella to talk to them? You know, for her to get use to it," aniya.

Ano raw? Kinginang 'to.

"You can do it!" nakangiting baling sa 'kin ni Gavin.

Bumuga ako sa hangin. Nagkaroon na kami ng kasunduan ni Konan tungkol dito, e. Ako lang ang makikipag-usap via email, siya ang makikipag-usap sa personal. Excuse me, hindi ko naman ginusto 'to.

"Decisionism, huh?" I said in sarcasm, "May usapan na kami ni Konan dito."

"Huh? But didn’t you told us you’ll do this job?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Hailey na siyang katabi ko lang.

"Hindi pa ‘ko sanay. Ayokong magkamali kaya si Konan muna. I’m observing things."

"O-Oo nga, guys. Hindi muna makikipag-usap si Stella. Ako muna. Kasama ko naman siya tuwing may meeting kaya ‘wag n‘yong alalahanin ‘yun," nakangiting salita ni Konan sa lahat.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now