• Thirty Two •

28 0 0
                                    

Stella

×

Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Walang kumikibo, maliban na lang sa mga impit na daing ko sa t‘wing kikirot ang mga sugat ko lalo na ang tama ko sa bewang. Kahit nakabenda ito, para talaga akong mauubusan na ng dugo.

“We’re near your house, Gavin,” bulalas ni Seven.

Sumandal ako sa bintana at kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam, pero parang mas lumala 'yung sakit ng mga sugat ko.

“Stella, are you alright?” rinig kong tanong ni Gavin pero mas pinili kong hindi sumagot.

Nauubusan na 'ko ng enerhiya.

Huminto ang sasakyan senyales na nasa tapat na kami ng bahay ni Gavin.

“Sige na, Gav. I’ll explain to you next time everything.”

Walang respunde ang isa, narinig ko na lang na bumaba na ito ng sasakyan at muli na naman kaming umandar.

Fuck. Hindi ko naman masyadong dama ang sakit kanina ah? Oo masakit sobra, pero grabe 'yung ngayon.

Sa tagal ng pagka-expose ng sugat ko, malamang napaka daming dugo na ang nawala sa 'kin. Sa mga oras na 'to, nahihilo na 'ko at para nang mamamatay.

Napatitig ako sa bintana. Naalala ko 'yung mga kahayupan sa 'min ni Papa, 'yung pag-iwan sa 'min ni Mama, 'yung iyak ng mga kapatid ko sa tuwing sinasaktan sila ni Papa, 'yung mga karumal-dumal na pagsisilbi ko sa Whyos at syempre, 'yung mga masasakit na salita sa 'kin ni Haru.

Kung iisipin, sagad na sagad na ang mga kasalanan ko. At ngayon, muli na naman 'yun nadagdagan.

“Ayoko na.”

Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong napasulyap sa 'kin si Seven.

“Kung magtatagal pa ‘ko, madadagdagan lang ang kasalanan ko sa mundo. Alam mo ba, hindi alam ng mga kapatid ko ang tungkol sa ginagawa ko. Akala ni George, mabait akong ate,” mapakla akong natawa nang maalala ang mga salita ni George sa 'kin no'n.

“Well, atleast now I can rest in peace. Wala nang bangungot na iisipin,” dagdag ko pa.

Akala ko ay hindi pa rin magsasalita si Seven.

“What non-sense are you spouting?” blangko ang tanong niya, matuwid.

“Sorry,” sagot ko, “Sorry sa lahat ng problemang dinadala ko sa inyo--- sa ‘yo. Pero pwede ba akong humingi ng pabor?”

Hindi siya sumagot. Napangisi ako. Ramdam ko 'yung malamig na pakikisama sa 'kin ni Seven. Ang laki bigla ng pagbabago niya.

“Pa---” mariin akong napapikit nang kumirot muli ang sugat ko, “Pagalingin mo si Hance, please. Saka ‘wag mo silang pabayaan. Kung ayaw mo ng dagdag na iisipin, pakisabi na lang ‘to kay Konan. K-Kung sakaling malaman n‘ya na kriminal ako at hindi ako tulungan, pwes, dumiretso ka kay George, nasa cellphone ko ‘yung address.”

Tumulo ang luha ko. Naaalala ko 'yung mala-anghel na mukha nina George at Hance.

“B-Bigyan mo na lang sila ng pera pangkain. Wala na silang babayaran sa renta at kuryente, bayad na ‘yun ng isang taon. Kung hindi, si Kaloy na lang ang sabihan mo. Saka... saka sabihin mo nagpunta ako ng malayo dahil sa trabaho.”

Humigpit ang kapit ko sa bewang ko. May benda ito, pero nararamdaman ko na sa kamay ko ang malagkit na dugo.

“Pakisabi mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko silang dalawa... p-please.”

Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Gano'n pa man, hindi kumikibo si Seven.

“Ubos na ubos na ‘ko. Hindi ko na kayang lumaban. Akala ko, kaya ko pa. Pero hindi na pala. Sapat na sa ‘kin na malaman kong okay ang lagay nila George, sapat na sa ‘kin na pinatay ko ‘yung walang-hiyang ama namin,” sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko kahit nakapikit.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now