Stella
×
Sa puntong 'to, iisa lang ang pumapasok sa isip ko-- ang tumakas. Puno ng pagtataka ang loob ko kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko at naisip ko, kung nalaman niya 'yun, hindi malabong alam na niya ang iba pang impormasyon ko.
Tangina. Paano pa ako makakagawa ng palusot nito? At kailan pa niya nalaman ang tungkol sa pangalan ko? Kilala niya ba 'ko noon pa? Imposibleng nagawa niya 'yun ng isang buong gabi lang.
Hindi ako makapag-isip ng maayos. Gusto kong tumakbo papunta kay Haru...
But that would mean I failed and... disappoint him.
"You hear me?" prente ngunit seryosong tanong ng Seven na 'to sa 'kin, malayo sa kaninang maingay at magulo.
Kumuyom ang kamao ko sa magkabilang gilid, "Saan mo nalaman ang---"
"Hey!"
Parehas kaming napalingon sa hallway nang kumaway sa 'min ang isang babae. Palapit ito sa gawi namin at mukhang nag-aalala.
"Are you okay---"
Nagulat ako nang bigla akong hinablot ng lalaking 'to sa kamay at basta na lang hinatak palayo sa babaeng 'yon. Hahatakin ko sana 'yun pabalik pero ang higpit ng kapit niya.
"Sorry, Konan. It’s urgent!" sigaw niya ro'n sa babae.
"S-Sure..."
"Saan mo ‘ko dadalhin?! Hindi pa ako nagpapakilala sa ‘yo kaya paano mo nalaman ang pangalan ko?!"
Hindi niya 'ko sinagot hanggang sa makarating kami sa exit door ng palapag at lumabas do'n. Magrereklamo pa sana ako't sisigawan siya nang bigla niya 'kong isandal sa dingding at iharang ang isang kamay sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa inis dahil sa ginawa niya.
"You---"
"You liar, Stella. Of all people, you lied to the wrong person..." anito, "I knew this would happen and you’ll continue to fool everyone with your fake story telling. What the hell are you doing? Any goals?" sarkasmo niyang dagdag.
Damn it. Sabi ko na nga ba hindi lang pangalan ko ang alam niya!
Mariin akong nakipagtitigan sa seryoso niyang mata, "How far do you know about me?"
"I don’t know the name of your school in elementary and high school, your favorite foods, your favorite movie and your zodiac sign."
"But, I knew your name, your family background, your two brothers--- that you’re a criminal working to this organization called, Whyos. I’m even aware of your last mission where you and your group, slaughtered a bunch of police officers."
Ngumisi siya sa 'kin, "Tell me I’m wrong, Stella."
Napalunok ako at sa isang iglap, bigla akong nawalan ng gana makipag-talo sa kan'ya. Pakiramdam ko, sa mga sinabi niya ay wala nang saysay pa kung manlalaban ako. Lalo ko lang ipapahamak ang sarili ko at... si Haru.
Now what should I do? Paano na lang kung ipahuli niya ako at madamay si Haru? Isama mo pa sina George...
"Hm?"
Nawalan ng buhay ang mata ko nang bumaba ito sa leeg niya. Fucking shit... tangina... no'ng nagpa-ulan ng kamalasan si Satanas, balde-balde ko ba namang sinalo.
"Everything... but my brothers."
"Ano?"
Doon ko lang sinalubong ang mata niya, "Do everything you want to me, but don’t touch my precious brothers. Leave them behind."
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...