• Seven •

58 5 0
                                    

Stella

×

Buong magdamag kong inisip ang mga binanggit ko sa lalaking 'yun kagabi, tungkol sa aksidente pala naming pagkikita noon. Bilib nga 'ko sa utak ko, e. Ang bilis gumawa ng alibi. Ang hindi ko lang sigurado, kung naniwala siya...

"Napag-utusan lang ako kasi kailangan ko ng pangkain. N-Nagnanakaw kami no’ng oras na ‘yun at nando’n ang target, mayaman kasi ‘yun sabi ng kasama ko no’n. ‘Yung baril naman, hindi akin ‘yun. Iniwan ‘yun ng kasama ko sa ‘kin at hindi ko na namalayang nalaglag ko pala."

"Wow, so you mean you’re living your life by doing that just to eat?" parang naging interesado pa siya.

Tumango ako at nagpaawa, "Kagaya ng sabi ko, wala na ‘kong mapupuntahan. Wala akong kamag-anak dito. Bata palang ako, iniwan na ‘ko sa ibang tao. Tapos ngayon, pinalayas naman ako kaya wala akong magawa kundi ang magnakaw," sana kagatin niya.

"How about the others? ‘Yung mga kasama mo na magnanakaw din?"

"May... kan‘ya-kan‘ya silang pamilya kaya nahihiya akong manghingi ng tulong. Isa pa, mahirap lang din sila at maliit ang bahay, imposibleng patuluyin nila ako."

"So, that’s why you went to apartment because of this... uhm, what’s her name again? Rosalinda?"

Maliit na umawang ang bibig ko. Maski ako nakalimutan na 'yung pangalan na ginamit ko kanina! What the heck!?

"R-Roselda..."

"Roselda? I thought it was Rosana?"

Gulat akong napatingin sa kan'ya. Natatawa ang reaksyon niya sa 'kin. Tsh!

"Alam mo naman pala, e."

"Ngayon lang pumasok sa isip ko. Anyway, so where is this Rosana? Who is she?"

Ang daming tanong sa buhay...

"Kaibigan ko siya dati. May lalaki kasing nagsabi sa ‘kin na doon daw siya nakatira. Kaya pinuntahan ko para sana makituloy. Pero... mali pala ako."

"Do you have any source to contact her? I’ll help you."

Mabilis akong umiling-iling bilang pagtanggi, with matching kaway pa, "Hindi na ano ka ba! Wala akong kontak sa kan‘ya kasi nagtanong lang naman ako ro’n sa lugar ng dati kong tinutuluyan. Ayun lang ‘yung alam ko."

"Oh..." mababa niya 'kong pinagmasdan, para niya 'kong kinakaawaan, "I’m sorry. I bet your life was tough, ‘no? You don’t have someone to lean on. Don’t worry, everything will be okay."

From the way the conversation ended, it seems like he believed my story.

Kagaya ng sinabi niya kagabi, susunduin daw niya 'ko para makaharap ang head ng organisasyon nila. Nag-practice pa 'ko kagabi ng mga speeches ko at drama para rito. Kailangan ko kasing ma-kumbinsi ang taong 'yun na gawin nila 'kong event coordinator upang manatili sa apartment na 'yon. Nakakapalan man ako sa mukha ko at nandidiri-- pero sumang-ayon ako kay Haru na gawin 'to, wala nang atrasan! Hindi ko bibiguin si Haru!

So, ang kailangan ko lang gawin, paniwalain silang inosente ako. Feel ko talaga naniwala 'tong lalaking 'to sa kwento ko, e. I can feel it! Kaya naman 'yung head-- at 'yung mga kaibigan niya, dapat ko ring mauto.

Tapos kailangan kong magkabait-baitan. Yes, kailangan kong pigilan ang emosyon kong magalit dahil dapat, friendly ako sa paningin nila.

Yeah, that's it. Gagawin ko 'yun hanggang sa makuha ko na ang tiwala ng lahat lalo ng lalaking 'to at--! Si Haru na ang bahala sa mga susunod na kaganapan.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now