• Twenty Seven •

25 1 0
                                    

Stella

×

Hindi ko kinaya ang mga sinabi sa 'kin ni Haru. Pakiramdam ko ito na ang dulo sa 'min, tinuldukan na niya dahil sa kapabayaan ko.

Masakit 'yung mga sinabi niya at totoo 'yun. Pero habang ninanamnam 'yun ng isip ko, pilit namang lumalabas ang mukha ni Seven. Bumabalik din sa isip ko 'yung mga huling sinabi ni Seven, 'yung huli niyang haplos sa buhok ko, 'yung huling tingin niya-- at magmula no'n, hindi na siya nagparamdam pa.

Parang nagsanib-pwersa 'yung mga salita ni Haru at Seven sa 'kin. Parang nakakaubos ng hininga.

Alam mo 'yun? I've been trying my whole life. I've been trying to live. Pero palagi na lang akong pinagtatabuyan, nilalayuan.

Gago... legit 'yung sakit, promise.

Pero napagtanto ko sa sarili ko na iisa lang pala talaga ang gusto ko sa kanila at 'yun ay si Seven. Masakit sa 'kin na tinulak ako ng gano'n ni Haru, na kung anu-ano ang sinabi niya. Pero kapag naaalala ko si Seven, mas nasasaktan ako.

Ngayon alam ko na ang totoo kong nararamdaman. Gayunpaman, hindi ito sapat.

Ayoko na. Give up na 'ko.

Napaka lakas ng ulan. Alas tres palang yata ng hapon pero ang dilim na agad. Kaunti lang din ang mga tao at sasakyan dito. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa mataas na tulay. Ang lakas ng hangin, halos hindi ko makita ang paligid ko.

Lihim akong napangisi habang nakatitig sa ibaba ng mataas na tulay. Naalala ko dati, muntik na 'kong mahulog sa ganito. Kumpara doon, mas mataas at malaki 'tong tulay na 'to.

Dumating no'n si Seven at dahil sa kan'ya, nakaligtas ako.

Pero ngayon, darating kaya siya para iligtas ulit ako?

Tumayo ako sa gilid at pumikit. Dinama ko ang malakas na ulan at hangin. Ayoko na talaga. Gusto ko nang mawala sa mundong 'to. Puro sakit, galit at lungkot na lang ang nararamdaman ko. Wala na bang iba? Kailan ba ako makakaramdam ng magandang pakiramdam?

Kailan ba ako kakailanganin? Kailan ako magiging mahalaga? Kailan?

Ayoko na. Sobrang sakit nang paulit-ulit na maiwan. Ang sakit na maghabol palagi, nagmumukha na akong tanga.

I mean, I really am an idiot. Just like what Haru said.

Nagpauto ako kay Haru. Nagkagusto ako kay Seven na sinaktan din naman ako. Iniwan din naman niya 'ko.

So... saan ako pupunta? Saan ba 'ko nababagay?

Nagpatangay ako sa lakas ng hangin hanggang sa maramdaman kong unti-unti nang bumabagsak ang katawan ko pababa. Wala na 'ko sa tamang pag-iisip at ngayon, ito ang pinaka tama sa isip ko...

Ang magpakamatay.

Iniwan kami ni Mama. Si Papa, sinasaktan kami't mga kapatid ko. Ginagago na lang niya kami na para kaming mga pinulot lang sa kalsada. Naging kriminal ako para lang may maipakain sa mga kapatid ko. Sumama ako sa masasamang tao. Tapos no'ng makaalis at makilala si Haru, tinapon din naman ako dahil wala akong nagagawa para sa misyon. Hindi ako gusto ng buong CVA, ramdam ko. Nagkagusto rin ako kay Seven, pero sa huli, iniwan din naman ako at hindi na nagpakita.

Napaka hirap ng ganitong buhay. Parang wala nang pag-asa. Parang pinaglalaruan ka na lang ng tadhana hanggang sa sumuko ka.

Kaya Konan, ikaw nang bahala kina George at Hance. Mas magiging maganda ang buhay nila sa kamay niyo ni Claudius.

Saglit kong naramdaman ang masakit na pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Pero kalaunan, nawala rin ito at naging blangko na ang paningin ko. Huling pumasok sa isip ko ang mukha ng mga kapatid ko hanggang sa... mawala na ito.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now