Stella
×
Pakiramdam ko ay mauubusan na 'ko ng hininga sa dami ng dugo na lumalabas sa 'kin mula sa bewang ko. Kanina ko pa dinadamdam ang sakit-- at halos hindi ko na kayanin.
Sa kabilang banda, sumilay sa isip ko ang huling ekspresyon ni Papa bago ko siya lagasan ng buhay. Napangisi ako sa isip ko.
I’ve always wanted to do that... it’s so satisfying.
“Anong pumasok sa isip mo? Hindi mo ba alam na pwede kang mamatay kanina kung hindi ako dumating? Bakit naman gano’n, Stella? Hindi mo na ba talaga iniisip ang buhay mo?”
Noon ko lang napangtanto na nakahinto na ang sasakyan at salubong ang kilay ni Kaloy habang nakatingin sa 'kin.
“Una nagtangka ka magpakamatay, ngayon naman sumugod ka ro’n. Pinapahamak mo ba talaga buhay mo?” kinalikot niya sandali ang kan'yang cellphone, “Hindi ko alam kung gusto mo na talagang mamatay at iwan sina George o feeling mo kaya mo ang lahat, e. Hindi mo kaya gawin lahat ng mag-isa. Lalo na at---”
Pinutol ko siya, “Shut up. Nagawa ko na ang gusto ko, masaya na ‘ko ro’n.”
“Ano?” napatingin siya sa ‘kin.
“Hulaan mo kung ano pang ginawa ko,” mapang-asar akong ngumiti, “Pinatay ko na si Papa. Ngayon hindi ko na kailangan mag-alala pa.”
Sa kabila ng sakit ng sugat ko, nagawa ko pang tumawa. Hindi ko mapigilan, natutuwa ako sa naging resulta ng plano ko. Ang tagal kong inisip 'to, ngayon lang ako naka-tiyempo at hindi ako nag-sisisi ro’n. Hinding-hindi.
Walang naging reaksyon si Kaloy. Kinuha niya ang bag niya at lumipat sa pwesto ko. Doon na siya nagsimulang gamutin ang sugat ko.
“Kung nakita mo lang ‘yung ekspresyon n‘ya kanina? Shit. Napaka ganda! Hindi ko na yata makakalimutan ‘yung huling sandali na ‘yun. Sayang, hindi n‘ya na magagawa ‘yung plano n‘yang ipahuli ako sa pulis. Magsama sila ni Satanas sa impyerno! Someday, I’d like to meet them down there,” ngisi ko habang iniisip ang muli naming pagkikita ni Papa sa impyerno.
Hindi nagsalita si Kaloy.
“Hoy. Hindi ka ba masaya na nagawa ko na ang plano ko? Galit ka ba?”
Mariin akong napapikit nang diinan niya ang bulak sa sugat ko. Hindi ko mapigilang mapasigaw sa sakit ng ginawa ng hayup na 'to.
“P-Putang...”
“Hindi naman kita kino-kontra sa ginawa mo. Alam mo naman na gusto ko ring mawala na ‘yong gago mong tatay. Pero hindi sa ganitong paraan na muntik ka pang mamatay. Bakit ngayon mo naisip ‘yun? Alam ba ‘to ni Seven?”
“Bakit kailangan ko ipaalam sa kan‘ya? Pakialam naman no’n? Saka, kung hindi ko ginawa ‘yun, kailan pa?” inis kong tugon.
“Pwede mo naman akong tawagan para tulungan ka. Hindi ‘yung sugod ka ng sugod.”
“Atleast dumating ka kanina. ‘Yun ang importante ro’n.”
“Paano kung hindi ako dumating?”
“Okay lang sa ‘kin na madampot ako ng mga pulis kanina, Kaloy. Okay lang,” pagak akong natawa, “Kasi kapag nangyari ‘yun, lahat sila, papatayin ko rin. Na-miss kong gawin to alam mo ba?”
Seryoso ang mga titig sa 'kin ni Kaloy. Parang hindi niya malaman ang sasabihin. Dapat lang, hindi ko naman kailangan ng sermon pagkatapos ng mala-paraisong nagawa ko, e. Ayoko rin masira ang mood ko.
I’m fucking feeling good right now. So good that I want to kill some rat again.
“Akala ko ba nagbagong buhay ka na? Sinabi mo ‘yan sa ‘kin no’ng umalis ka sa Whyos. Gusto mo bang bumalik sa ‘min?” tanong niya.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...