• Fourty Three •

28 2 0
                                    

Stella

×

Wala pa ring nagbago sa kabila ng mga sinabi ko kay Seven noong gabi na pinansin na niya 'ko. Pagkatapos no'n, bumalik siya sa hindi pagpansin sa 'kin. Pero hindi na 'ko magrereklamo pa ro'n-- ang importante ay 'yung mga lumabas sa bibig niya.

“I cherish you... I want to make you happy but I can’t. I can’t, Stella. So why are you so effort to get me?”

Nagkaroon ako ng konting pag-asa na baka... baka kahit 50% or 20% or sabihin na nating 5% ay may pagtingin siya sa 'kin.

At dahil do'n, mas naging determinado ako na kumapit sa kan'ya. Na sa tingin ko, tama 'tong desisyon kong hindi siya iwan at sukuan at manatili lamang sa tabi niya.

Like I said, I won't give up on him.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang hubad kong katawan sa salamin dito sa banyo. Kakatapos ko lang maligo at tumutulo pa ang tubig sa buhok ko. Hinaplos ko ang peklat sa braso ko kung saan tinapyas ang bahagi ng balat ko ro'n noong nakuha ako ng Whyos.

'Yung mga sugat na nakuha ko sa Whyos, sa mga aksidenteng nangyari sa 'kin, 'yung putok ng baril sa bewang ko at pambubugbog sa 'kin ng mga tao no'ng pinatay ko si Papa... lahat 'yun ay makikita pa rin sa balat ko.

Wala man lang ako naging bawi sa mga animal na gumawa sa 'kin nito.

Ilang sandali lang ay pinunasan ko ang basang buhok ko at binalot ang tuwalya sa katawan ko. Ngunit natigil din ako nang maalalang hindi ko pala dala 'yung damit ko.

Papansinin kaya 'ko ni Seven pagpinaabot ko?

So I came out of the bathroom naked with only a towel covering my body, thinking Seven would only ignore me.

Pag labas ko ay nahinto ako sa pwesto nang maabutan si Seven na nakatayo at nakasandal sa lamesa na siyang nasa harap ko lang. Napalunok ako. Nakaitim na polo siya na tiniklop hanggang siko, bukas ang unang butones kaya naman malaya kong nakikita ang suot niyang krus na kwintas, nakapatong ang isang kamay niya sa lamesang sinasandalan at umiinom siya ng bottled water. Nakatingin siya sa screen ng laptop mula ro'n.

I got dazed for a few seconds I saw him because I wasn’t expecting him to stand there and looked hot drinking that water. Nasa isip ko na hindi niya ako papansinin-- hindi 'yan titingin sa 'kin-- pero nang lumingon siya at tignan ako ng mabagal mula ulo hanggang paa, kumabog ng malakas 'yung dibdib ko.

Gago... bakit parang nag-iinit 'yung pisngi ko?!

“Ano?” mahinang tanong ko.

Alam kong hindi siya sasagot at aalisin lang ang paningin sa 'kin pero hindi, nagsalita siya.

“P-Put some clothes, it’s cold,” saka siya mabilis na umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko. Is he shy?

Doon na naman nagsimulang tumulis ang sungay ko. Napangisi ako sa loob ko nang mapagtanto na pagdating nga pala sa mga ganitong bagay, nawawala ang pagka-malamig na tao ni Seven sa 'kin at napapalitan ng hiya. Ilang beses ko nang napatunayan 'yon.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kan'ya. Alam kong nararamdaman niya 'ko pero pinili niyang manatili sa pwesto.

“You said you want to make me happy but you can’t?” mahinang anas ko saka ko siyang marahang hinawakan sa dibdib, “Who says that bullshit? Just by seeing you, makes me more than happy, Elijah.”

That's the first time I called him by his real name... and I love it.

“W-What are you doing? I’m just doing a quick break,” nauutal na sagot niya habang nasa gilid pa rin ang tingin.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now