Stella
×
We've been waiting for almost three fucking hours.
And we're still waiting.
Hindi naman ako na-inform na kapag guest pala ay pwede na magpa-VIP. Like, hello? Kanina pa kaming tanghali rito sa restaurant na 'to ni Konan! Bulok na bulok na kami dahil diyan.
"Tsk!" padabog kong pinukpok ang phone ko sa mesa. Naiinis na nga 'ko, bigla pang namatay 'yung battery ko.
"Okay ka lang, Stella? Anong sabi ni Dr. Luke?"
"Hindi pa nagrereply. Tapos no'ng tinatawagan ko biglang namatay 'yung phone ko," bulalas ko habang tinatanggal ang battery sa cellphone. Issue na talaga 'to ng phone ko, e. Namamatay bigla kahit full bar naman at kaka-charge lang.
"Hiramin mo muna 'yung phone ko," inabot sa 'kin ni Konan ang iPhone niya.
Sandali akong napatitig do'n. Tuwing nagkaka-problema ako sa phone ko, palagi na lang niya 'ko pinapahiram nito. As if naman marunong ako gumamit 'di ba?
"H'wag na," masungit kong tanggi.
"Huh? E, hindi pa naman gumagana ‘yung phone mo. Bakit kaya... hindi mo na palitan ‘yan?"
Sakto no'n ay naibalik ko na ang battery sa likod at hinintay na magbukas ang phone ko. Tinignan ko ang maamong mukha ni Konan.
Dzai, hindi ko priority ang magpalit ng phone. Ang mahal-mahal ng cellphone sa panahon ngayon.
And if ever, itutuon ko na lang 'yon kay Hance.
"K-Kung gusto mo lang naman," napapahiyang aniya.
"Hindi ko kailangan no’n. Hangga’t gumagana pa ‘to, pwede pa ‘tong pagtiyagaan."
"Wow. Napaka maalaga mo naman pala sa mga gamit mo, Ma’am Stella. Hangga’t hindi pa na nasisira, gamitin lang. Tama ‘yan," sabat naman no'ng alalay ni Konan na lalaki. Frederick yata ‘yung pangalan.
Natawa si Konan, "May luma akong phone, Stella. Ito kasi binili lang ni Claudius sa ‘kin. Baka gusto mo? Hindi ‘yun iPhone kagaya nito pero maganda rin ‘yun."
"Ibibigay mo sa ‘kin?"
"Oo naman! Kaysa naman magtiyaga ka pa diyan. Sobrang luma at bigla-bigla na ring nagloloko."
I never touch or own a different kind of phone except for my Nokia 3210. In how many years, ito na ang nakasama ko. Kahit may mayayaman akong tinarget dati, wala sa isip ko ang nakawan sila ng phone para lang gamitin.
Bagkus, ninanakaw ko na lang para ibenta pambili ng pagkain at gamot nila Hance.
Hindi rin ako nagnais magkaroon ng bagong gamit. Wala ring nag-aalok sa 'kin, kaya naman hindi ko alam ang isasagot ko sa kan'ya.
Paano kung may kapalit 'yan? Paano kung inuuto lang ako nitong Konan na 'to?
Napailing ako sa isip ko at winakli na 'yon. Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa phone kong gumana na muli.
"No thanks. This is enough."
"Bakit naman ayaw mo, Ma’am Stella? Pwede mo pa rin naman itago ‘yan, e." sabat no'ng isa.
Hindi ko siya sinagot. Dinial ko ang number no'ng pa-importanteng guest at hindi tulad kanina na hindi niya sinasagot ang tawag, sinagot na rin niya sa wakas ngayon.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
Lãng mạnCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...