• Twenty One •

32 3 0
                                    

Stella

×

Napupuno ng mga hiyaw at daing ko ang bawat sulok ng kwarto. Walang patawad. Ito ang nagpapatunay na walang diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaki rito sa Whyos. Umaagos pababa ang pawis ko mula sa noo, kasabay ng pagtulo ng dugo.

Kapag bumigay ako sa pagpaparusang ginagawa nila, hindi na 'ko makakaalis dito.

"Aaaaaahhhh!" muli kong daing nang humampas sa balat ko ang latigo.

"H-Hindi ka pa rin susuko?" tanong ng lalaki.

Isa pa, kapag sinabi kong 'tama na,' ibig sabihin ay hindi ko na kaya at patuloy akong magsisilbi rito.

Hirap man ay umiling ako, dumura ako ng dugo.

"Bastard..." bulong ko.

"Ipapaalala ko lang na hangga’t hindi binibilin ni Boss na itigil na, hindi tayo hihinto."

"Go on."

Huminto pa siya sandali at pagkatapos ay muli niyang hinampas sa akin ang hawak na latigo. Napasigaw ako at sakto no'n ay naramdaman kong nagsugat na ng tuluyan ang balat ko. Umagos pababa ang dugo mula sa braso ko.

Nakasabit ang dalawang kamay ko gamit ang mabibigat na kadena habang nakaluhod ang tuhod ko sa malamig na sahig. Punit-punit na rin ang suot kong blusa. Kung titignan maigi ang kinaluluhuran ko, makikitang nagdanak na ro'n ang dugo. Tipong akala mo, may pinagsasaksak sa pwesto ko.

It's been what? Two hours of torture? I don't know anymore. Pero tama siya sa sinabi niyang hangga't hindi nagsasabi si Boss, hindi sila titigil.

"Aaahhhhh! Damn!"

Binuhusan ako ng nagyeyelong tubig ng isa. Naramdaman ko ang mabilis na pagkirot ng mga nakabuka kong sugat.

Hindi pa man lubos na kumakalat ang tubig sa katawan ko ay nagsimula na naman ang isa para hampasin ako ng latigo-- at this time, pinili na niyang latiguhin ang hita ko.

Nahihilo na 'ko. Wala pang kalahating araw pero dama ko na ang pagkahilo. Parang gusto kong isuka ang mga lamang-tiyan ko.

Habang patuloy siya sa paghampas sa 'kin, napayuko na lang ang ulo ko at mariing napapikit. Iniisip ko, kailangan ko 'tong tiisin para sa mga kapatid ko at para makabalik na 'ko kay Seven. Hindi ko pwedeng pabayaan ang misyon ko kay Haru. Nagpapa-impress ako sa kan'ya kaya kailangan kong lumaban.

"Nangangawit ka na ba? Ako na muna diyan."

Boses iyon ni Kaloy. Nag-usap sila sandali no'ng lalaki at ilang sandali lang ay narinig ko ang mga yabag ng sapatos nila na paalis, hanggang sa sumarado ang bakal na pinto.

Hinang-hina kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang kunot na noo ni Kaloy. Nakatayo siya habang hawak ang latigo.

"Stella..."

Binagsak ko na lang ulit ang ulo ko. Wala akong lakas makipagtalo sa kan'ya ngayon.

"Stella, bakit hindi mo pa hilingin na tumigil na sila? Kapag sinabi mo ‘yun, titigil na sila---"

"Kapag sinabi ko ‘yun, hindi na ‘ko makakaalis sa Whyos," saka ko siya muling inangatan ng tingin, "Pabor sa ‘yo, ‘no?"

Naglapat ang labi niya, "Bakit ba kasi gusto mong umalis? Kasalanan ko ba talaga? Hindi ka ba talaga naniniwala sa ‘kin? Kung aalis ka, paano na ‘yung mga pinagsamahan natin? G-Gano’n, iiwan mo na ako por que may mga bago ka nang kaibigan?"

"H‘wag na natin ulitin pa ang tapos na, Kaloy. Bilis, saktan mo na ako."

"Por que mas nabibigay nila ang kailangan mo iiwan mo na ako? Matatanggap ko pa kung aalis ka rito dahil ayaw mo na, e. Pero ‘yung aalis ka rito at tuluyan akong iiwan? Masakit. Hindi ko naman ginusto na humantong tayo sa ganito. Wala naman akong kasalanan, pero bakit nagdudusa ako? Gan‘yan mo ba ako... ka-ayaw?"

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now