• Thirty Three •

34 0 0
                                    

Stella

×

Minulat ko ang mata ko at nakitang nasa kwarto na ako. Kumurap-kurap pa 'ko at pinakiramdaman ang sarili, ramdam kong masakit pa ang ilang bahagi ng katawan ko.

Pero... sa kabila ng mga nangyari, heto at buhay pa rin ang masamang damo.

Bumangon ako para umupo. Huli kong naaalala, kasama ko si Seven sa sasakyan at... at... umamin ako sa kan'ya ng nararamdaman ko.

Napasinghap ako sa napagtanto. Umamin ako?!

Ginawa ko 'yun dahil akala ko, mamamatay na ako! Pero heto at buhay pa 'ko, gumagalaw, humihinga. Hindi naman 'to panaginip 'di ba? Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman ko.

“Shit...” paano ko siya ngayon mahaharap? But more importantly, nasaan siya?

“Hi.”

Lumingon ako sa gilid ko at akala ko, si Seven ang makikita ko pero... iba ang nakita ng mata ko.

Si Haru.

Nakaitim na long sleeve ito, bahagyang bukas ang isang butones sa taas, nakatiklop ang hanggang siko ang manggas. Nakasuot siya ng itim na pantalon at sapatos, ang buhok niyang kulay abo ay naka-brush up sa likod.

Ngumisi ito sa 'kin, “It’s so hard to get in here. Now I’m finally back. I heard you got shot?”

“A-Anong... ginagawa mo rito?”

“Aren’t you happy I’m here to visit you? I checked your phone, all I could see was those sickening messages from the CVA members asking how was your wound from that gunshot.”

Lumapit siya sa kama ko at tumabi sa 'kin. Naamoy ko agad ang matapang niyang amoy.

“I’ve been outside since yesterday, finally, Seven took you home earlier and now you’re awake. Did you miss me, Stella?” ngisi niya.

Kung hindi siguro niya sa 'kin sinabi ang mga insultong binitawan niya noong huli naming kita, malamang ay napayakap pa 'ko sa kan'ya ngayon. Pero hindi, e. Na kay Seven na ang nararamdaman ko't hindi na kay Haru.

“Nasaan si Seven?”

Nawala ang ngisi sa labi niya, “I’m right in front of your eyes but you’re looking for that traitor. How disgusting.”

“Ano ba talagang ginagawa mo rito? Hindi ko inaasahan na pupunta pa rito para sa ‘kin,” salita ko.

“Ako rin, hindi ko rin inaasahan na magpapakita pa ako sa ‘yo. But you know, I’m here to take you to our paradise instead, since you can’t do anything about the mission I gave you. Look at yourself, you’re full of bruises and wounds.”

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Napahatak tuloy ako sa kumot para iangat 'yon. Nahihiya akong makita niya na ganito ako.

“The CVA is only filled with false hope. Ilang beses ka na bang nasugatan dahil sa kanila?”

“It’s not their fault it all happened to me,” sagot ko.

“Are you mad at me because I’ve hurt your feelings?” hinaplos niya ang buhok ko, “I can explain to you. I belong to someone, sadly she’s not here. Can you understand that, darling?”

Tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko, “Umalis ka na, Haru. Hindi mo na ‘ko mauuto ano pa man ang sabihin mo.”

“And you dare to say that after I helped you and your brothers? Just wow.”

“And you also dare to came here and confidently asked me to come in your paradise? Ano bang tingin mo sa ‘kin, bagay? Okay lang naman sa ‘kin na hindi mo ako magustuhan. Pero ‘yung mga sinabi mo sa ‘king pang-iinsulto, pagkatapos ng pagiging tapat ko sa ‘yo? That’s bullshit,” hindi ko na mapigilang magsalita sa umuusbong na inis sa loob ko.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now