Stella
×
Ngayong araw, si Konan naman ang kasama ko at mas okay sa 'kin 'yon kaysa kay Betina. Pinapaliwanag na sa 'kin ni Konan ang una naming guest na i-imbitahin.
Still kind of boring, but not annoying. So it's okay.
"Actually..." Konan laughed sheepishly while scratching her left cheek, "T-Tatlong guest palang ang na-invite ko noon. Pina-cancel kasi agad ni Light ‘yung party, ‘di ba nakita mo na siya? Tapos ngayon, unexpectedly, dumating na siya galing Korea kaya kailangan na natin ipagpatuloy. Akala ko nga after four months pa ulit."
Tumango-tango ako at tamad na binagsak sa lamesa ang mga past documents na sinubukan kong basahin. Ugh! Nakakahilo!
"So we need atleast seven guests to complete?"
"Hm-mm. Ngayon, may ni-recommend si Claudius sa ‘kin. A friend of him--- si Dr. Luke Encinas. I emailed him already and waiting na lang tayo sa response n‘ya."
"Okay," napahikab ako. Ilang oras palang akong nananatili rito pero inaantok na 'ko. Kumpleto naman ang tulog ko kagabi.
"Hey Konan," bagot ko siyang tinignan na nag-aayos ng mga papel.
"Y-Yes?"
"Bakit ka pa nagta-trabaho bilang event coordinator kung fiancée mo naman pala ‘yung may-ari ng kumpanyang ‘to?" tanong ko may mapag-usapan lang.
Napangiti siya, "Ayos lang. Ayoko naman iwan ‘to tapos mapupunta lang kay Tiara. Mas mapapagod siya."
"Tiara? Who the hell is that?"
"Ah," natawa siya, "Si Betina, I mean. Betina Tiara kasi ang real name n‘ya. Mas gusto ko lang siya tawagin sa second name n‘ya. Ang ganda ‘no?"
Tsh. Like I care...
"Ikaw? Anong buong pangalan mo?" tanong niya pero agad siyang natigil, "U-Uhm, kung okay lang naman malaman. Hehe."
Sandali ko siyang tinitigan. Kailangan pa ba talaga niyang malaman 'yun? Hindi pa ba sapat na alam na nila ang pangalan ko? Pero sa kabilang banda, siguro kailangan ko ngang banggitin. Artista mode nga pala 'ko.
Tumikhim ako at natawa, "Ah. Haven’t Seven mentioned? I thought he did. My name’s Stella Sevilla. Don’t you think my name’s more beautiful than that Betina?"
Subukan mong magkamali. Tayong dalawa lang ang nandito, girl.
Her smile froze for a second. Tss!
"P-Para sa ‘kin parehas lang maganda ang pangalan n‘yo ni Tiara. Don’t take it the wrong way! Maganda ang pangalan mo, promise!" tinaas niya pa ang kan'yang kanang kamay.
Napairap na lang ako sa kan'ya, "Whatever. Anyway, sabihan mo na lang ako kung ano nang next na gagawin natin sa guest. Nagugutom ako, uuwi muna ‘ko," tumayo ako at nag-unat. Pero ang totoong balak ko talaga ay matulog na lang sa apartment.
Tapos naman na kami sa discussion, e. Baka makatulog lang ako rito.
"U-Uuwi ka?" biglang tanong niya.
"Yes...? Didn’t you hear?"
Mabilis niyang inayos ang mga papel at binalik 'yun sa book shelf. Kinuha niya ang bag niya sa swivel chair.
"Kung nagugutom ka, ‘wag ka na umuwi. Samahan mo muna ‘ko rito sa office. Ano, ililibre na lang kita sa labas. Ano bang gusto mong kainin?"
Napakurap ako sa harap niya.
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...