Stella
×
Hindi na 'ko nakatulog pa simula nang bumalik ako galing Crimson. Naging mabilis ako sa pagkilos para hindi magising ang isa kina Ash kanina. Pagkatapos no'n, hindi na 'ko nakatulog kahit inaantok.
“Thank you, Stella,” saad ni Seven nang makita niyang maayos na ulit na nakabalot ang braso, “I mean, for sure you woke up in the middle of the night just to clean my wound.”
Salamat sa tulong ni Light at binigyan niya 'ko ng maayos na gamit.
Inabutan ko ng tubig si Seven. Kinuha naman niya 'yun at ininom-- hindi niya alam na may dinurog ako ro'ng gamot.
Ngumiti ako, “Nakita ko kasi na napupuno na ulit ng dugo kaya pinalitan ko,” tugon ko.
“Anyway,” singit ni Ash na nasa tapat ng laptop, “Did you already call your rich friend? What time are they going to arrive? We can’t stay here any longer,” tumingin siya sa 'min.
Rich friend? Si Claudius?
“I sent him a private message and he said he’s going to prepare his helicopter. They’ll be here in no time. I know him.”
Helicopter?!
Ano pa bang aasahan ko kay Claudius? Mas mabilis nga naman ang helicopter. Pero... sana lang ay mas makarating sila ng mas maaga rito para masundo kami.
Bago pa sa 'kin magalit si Seven.
“He better arrive early or we’ll get caught by the agency. Checking here, they are starting to move again,” bulalas ni Ash habang nakatutok sa laptop.
Sumandal ako sa dingding na kahoy at pumikit. Ramdam ko ang bigat ng talukap ko pero hindi na 'ko pwedeng matulog. Baka anytime, may biglang dumating dito at magkagulo.
Stay awake, Stella!
“Are you okay?”
Napadilat ako nang magtanong si Seven sa 'kin. Nag-aalala ang mukha niya.
Tumango ako, “Bitin lang ‘yung tulog ko.”
“It’s okay. You can take a nap inside the room. I’ll wake you up once they’re here.”
Umiling ako at nginitian siya, “H‘wag na. Hindi naman ako gano’n na inaantok. By the way, masakit pa ba sugat mo?”
Tinignan niya 'yun saka binalik sa 'kin, “It’s kind of weird but I don’t feel the strong pain anymore unlike yesterday. It’s as if I took some medicine for it to heal faster.”
Hindi ako nakasagot.
Bahagya siyang natawa, “Well, I told you I can handle it. Hindi ako mamamatay dito.”
“And I won’t let that happen,” sagot ko.
Bumuga ako ng hangin at lalabas muna sana para magpahangin pero bago ko mahawakan ang pinto, may kumatok na mula ro'n.
Bigla akong kinabahan ng malala sa maaaring nasa likod no'n.
Nagkatinginan si Seven at Ash.
“Who the hell is that?” mahinang singhal ni Ash.
“Stella, come here!” kunot noo naman na tawag sa 'kin ni Seven.
Hindi ako lumapit sa kan'ya. Nanatili lang akong nakatayo sa pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung papatay ba 'ko ulit, hahayaan ko ang mangyayari o magso-sorry na lang. Bigla na naman akong naguluhan. Alam ko na dapat ang gagawin, e. Pero bigla akong nataranta sa loob ko.
Dahil hindi ako gumagalaw, patuloy pa rin ang katok ng nasa pinto. Narinig ko ang singhal sa 'kin ni Ash.
“Hey, Stella! Get out of there! If that’s the agency, you’ll be the first one to die!”
YOU ARE READING
Tempting Fate (Charity Series #3)
RomanceCHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organization. Because of her infamous character, one of her peers attempted to rape and kill her by their o...