• Nine •

47 4 0
                                    

Stella

×

Nagkaroon ng maliit na usapan matapos pagtakpan ni Seven ang tunay na ginagawa ko noon. Kaunting kwentuhan, plastikan do'n, plastikan dito. Pero hindi rin nagtagal ay isa-isa na silang umalis hanggang sa maiwan na lang kami ni Seven. Hindi ko pa nga siya pinapansin kanina, salita lang siya ng salita sa tabi. Hindi kasi ako makapaniwala na pagtatakpan niya ako.

"Bakit mo ginawa ‘yun?" mahinang tanong ko matapos ang ilang sandali. Nakatutok ang mata ko sa malaking bintana.

"Huh? Ginawa ang...?"

"Bakit hindi mo sinabi ‘yung totoo sa kanila?"

Kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya, mula sa pheripical vision ko, nakita kong lumingon siya sa 'kin.

"Didn’t I say that it’s tiring to explain even further?"

Napalingon ako sa kan'ya, "Mas mahihirapan akong gumawa ng alibi sa ginawa mo. Ginawa mo pa ‘kong tindera ng kendi!"

He chuckled, "That’s easier to explain rather than knowing you were a criminal."

Yeah right. He is going to use me to capture Haru so it's understandable he covered up for me. But before he could do that, Haru will be the one to lay hold of his friends-- these people, I mean.

"What, you want to tell ‘em the truth?"

I shook my head and smirked, "No, nothing. It’s just that I’m glad you did that. Less complication, I guess. Thank you, Master Seven."

"W-What?!" bigla siyang dumukwang sa harapan ko kaya naman napaatras ang katawan ko ng wala sa oras. What the hell?!

"Did you just called me Master Seven...?"

"Uh... so?"

He didn't say another word, instead, his lips formed into grin, staring enthusiastically at me. Sa sobrang lapit ng mukha niya, halos hanapan ko na siya ng tigyawat, blackheads, whiteheads o pores sa mukha pero... pinagpala siya't wala siya no'n. Makinis ang mukha ng lalaking 'to.

"A-Ang lapit mo naman, layo."

Natatawa naman siyang bumalik sa pagkaka-salampak sa sofa at pinatong ang isang kamay sa sandalan, "Sometimes, I really want people to call me ‘Master or God Seven’ just for fun. Wala lang, in this cruel and depressing world, sometimes, of course, there are times I want to feel better even just for one minute. And to be called by that name is one of my reliever--- aside from eating pringles."

Pinagkunutan ko siya ng noo sa kakaibang kagustuhan niya. I mean, I called him that because I feel my plan would be a success for letting me stay here. Saka, I’m under his care. Dapat maging mabait ako sa kan'ya para matuwa siya sa 'kin.

Hindi ko naman alam na ganito pala kalaki ang dulot ng pagtawag ko sa kan'ya ng 'Master Seven'.

"Do you want me to call you Master Seven until the end of our deal?" I asked.

Natawa siya, "What?"

"Wala naman sa ‘kin kung tatawagin kita no’n. Sanay akong magsilbi sa ibang tao."

"Wow... such a good person."

"Tch. Good person daw..." bulong ko, "I am not a good person. Kung mabibilang mo lang kung ilan na ang mga napatay ng kamay na ‘to, Master Seven."

Hindi siya sumagot at ngumisi lang sa 'kin habang nakatitig. Nakakailang man ang mga 'yun dahil hindi ko alam ang iniisip niya pero ngumiti pa rin ako. After all, I still have to act according to Haru’s plan.

Tempting Fate (Charity Series #3)Where stories live. Discover now